Pumunta sa nilalaman

Trochilidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Trochilidae
Babaeng ibong umuugong na may itim na baba.
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Subklase:
Infraklase:
(walang ranggo):
Orden:
Pamilya:
Trochilidae

Vigors, 1825
Mga subpamilya

Phaethornithinae
Trochilinae


Para sa isang taksonomikong talaan ng mga sari, tingnan ang:

Para sa mga uri ayon sa alpabetikong pagkakatala, tingnan ang:

Ang Trochilidae ay isang pamilya ng mga maliliit na ibon na nagmula at bumubuo sa pamilyang Trochilidae. Sa Ingles, karaniwang tinatawag na hummingbirds ang bumubuo sa pamilyang ito na may tuwirang salin na ibong humuhugong, ibong umuugong[1], o ibong humahaginit [2] sa Tagalog. Kabilang sila sa pinakamaliliit na mga ibon, at kinasasamahan ng pinakamaliit na uri ng umiiral pang mga ibong tinatawag na ibong-bubuyog na umuugong. May kakayahan silang lumipad-lipad na lumutang-lutang at magpaurung-sulong sa gitnang ere sa pamamagitan ng mabilis na pagpagaspas ng kanilang mga pakpak sa bilis na 12–90 mga ulit bawat segundo (depende sa uri). Maaari rin silang lumipad na paatras, at silang tanging pangkat ng mga ibong nakagagawa nito.[3] Hinango ang kanilang pangalan sa wikang Ingles na hummingbird mula sa katangiang hugong, ugong, o haginit (ang hum sa Ingles) na nalilikha ng mabilis na pagaspas, paghataw, pagbira, o pagkampay ng kanilang mga pakpak. Nakalilipad sila sa tuling lumalampas sa 15 m/s (54 km/oras, 34 mi/oras).[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Hum - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com., ang hum ay ugong o hugong; humuhugong o umuugong.
  2. Hum Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., ang hum ay haginit o humahaginit.
  3. Ridgely, Robert S.; at Paul G. Greenfield. The Birds of Ecuador, tomo 2, Field Guide, Palimbagan ng Pamantasan ng Cornell, 2001
  4. Clark at Dudley (2009). "Flight costs of long, sexually selected tails in hummingbirds". Proceedings of the Royal Society of London, Marso 2009.

Ibon Ang lathalaing ito na tungkol sa Ibon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.