Pumunta sa nilalaman

Samaritano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Samaritano
שומרונים
Mga Samaritano sa Bundok Gerizim, West Bank, 2006
Kabuuang populasyon
751 (1.1.2012)[1]
Mga rehiyong may malalaking populasyon
 Israel
 Palestinian Authority
Samaritan communities
Israel Holon~350
Palestinian National Authority Kiryat Luza348[1]
Israel ibang mga siyudad~50
Mga relihiyon
Samaritanism
Mga kasulatan
Samaritan Torah
Samaritan Book of Joshua[2]
Mga wika
Modern Vernacular
Modern Hebrew, Arabic
Past Vernacular
Arabic, preceded by Aramaic and earlier Hebrew
Liturgical
Samaritan Hebrew, Samaritan Aramaic, Samaritan Arabic[2]
Related ethnic groups
Jews, Palestinian people

Ang Samaritano ay isang etnorelihiyosong pangkat ng Levant na nagmula sa sinaunang mga mamamayan ng rehiyong ito. Sa relihiyon, ang mga Samariano ay mga tagasunod ng Samaritanismo na relihiyong Abrahamiko na malapit na nauugnay sa Hudaismo. Ang kanilang banal na kasulatan ang Samaritan Torah. Sila ay nag-aangkin na ang kanilang pagsambang Samaritanismo ang tunay na relihiyon ng mga sinaunang Israelita bago ang pagkakatapon sa Babilonia at naingatan ng mga natirang ito sa Israel. Kanilang inaangkin na ang Hudaismo ay kamag-anak ng kanilang relihiyon ngunit binago ito mga bumalik na Israelita mula sa pagkakatapon sa Babilonia. Ang mga Samaritano ay nag-aangkin na sila ay nagmula sa pangkat ng mga Israelita mula sa lipi nina Ephraim at Manasseh gayundin sa liping saserdote ni Levi. Ang kanilang pangalang "Samaritano" ay hinango hindi mula sa lugar na heograpiko kundi sa terminong Hebreo na Shamerim שַמֶרִים, "Mga tagasunod ng Batas". Sa Talmud na teksto ng Hudaismo, ang pag-aangkin ng pinagmulang ninuno ng mga Samaritano ay tinutulan. Sa mga tekstong ito, ang mga Samaritano ay tinatawag na mga Cuthean (Hebrew: כותים, Kuthim) na tumutukoy sa siyudad na Cutha(Kutha) na matatagpuan sa ngayong Iraq. Gayunpaman, ayon sa Bibliya, ang Cuthah ay isa lang sa mga siyudad kung saan ang mga tao ay dinala sa Samaria. Ang mga Samaritano ay kalaunang tinawag na mga Cuthean upang saktan ang mga ito at may karagdagang pagsasaad na ang mga lalake ng Kuth ay gumawa kay Nergal na kanilang diyos. Ang mga Samaritano ay dating isang malaking pamayanan na hanggang higit sa milyon sa panahong Huling Romano. Ang mga ito ay kalaunang unti unting nabawasan sa ilang mga sampung libo sa nakaraang ilang mga siglo. Ito ay resulta ng iba't ibang mga pangyayari gaya ng madugong pagsupil sa Ikatlong Paghihimagsik ng mga Samaritano noong 529 CE laban sa mga Kristiyanong pinunong Byzantine at sa pang-masang pang-aakay sa Islam sa Simulang panahong Muslim ng Palestina. Noong Enero 2012, ang mga Samaritano ay may bilang na 751 at eksklusibong nakatira sa Kiryat Luza sa Nablus, West Bank at sa siyudad ng Israel na Holon. May mga tagasunod rin ang Samaritanismo sa iba't ibang mga lugar sa labas ng Israel lalo na sa Estados Unidos.

Samaritanismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Samaritano, c. 1900 by the Palestine Exploration Fund.

Ang relihiyong mga Samaritano na Samaritanismo ay batay sa ilang mga aklat na basehan ng Hudaismo ngunit iba dito. Ang mga kasulatan ng Samaritanismo ay kinabibilangan ng Samaritanong Torah(bersiyong Samaritano ng Torah ng mga Hudyo), ang Memar Markha, ang liturhiyang Samartino at mga batas kodigo na Samaritano at mga komentaryo ng kanilang bibnliya. Ang Samaritanong Torah ay lumilitaw na kasing tanda ng tekstong Masoretiko ng mga Hudyo at ng Septuagint. May ibat ibang mga teoriya ang mga skolar sa mga relasyon ng mga tekstong ito.

Mga paniniwala

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • May isang diyos na si YHWH na parehong diyos na kinikilala ng mga Hudyo.
  • Ang Samaritanong Torah ay ibinigay ng diyos kay Moises.
  • Ang Bundok Gerizim at hindi ang Herusalem ang tunay na sanktuwaryong pinili ng diyos.
  • Ang mga Samaritano ay naniniwalang na sa wakas ng mga panahon, ang mga patay ay muling bubuhayin ng Taheb na isang tagapanumbalik(na posibleng isang propeta).
  • Paraiso o langit
  • Ang mga saserdote ang mga nagpapakahulugan ng batas at mga taga-ingat ng tradisyon. ANg mga skolar ay pangalawa sa pagkasaserdote.
  • Itinatakwil ng mga Samartiano ang autoridad ng mga aklat ng Tanakh(Bibliya ng Hudaismo) na hindi Torah gayundin ang mga klasikong akdang Hudyo ng mga rabbi(na binubuo ng Talmud, Mishnah at Gemara).
  • Ang kanilang Sampung Utos ay iba sa Sampung Utos ng Hudaismo. Ang kanilang ikasampung utos ay tungkol sa kabanalan ng Bundok Gerizim.

Pinanatili ng mga Samaritno ang Sinaunang skriptong Hebreo, ang pagkasaserdote, mga paghahandog ng hayop, pagkain ng mga tupa sa Paskuwa at pagdiriwang ng Avi sa tagsibol ng Bagong Taon. Ang Yom Teruah(na Rosh Hashanah sa Bibliya) sa simula ng Tishrei ay hindi itinuturing na bagong taon sa Samaritano gaya ng sa Hudaismo. Ang kanilang sagradong kasulatan ng Samaritanong Torah ay iba sa tekstong Masoretiko ng mga Hudyo. Ang ilang mga pagkakaiba ay sa doktrina. Halimbawa, ang Samaritanong Torah ay hayagang nagsasaad na ang Bundok Gerizim ang "lugar na pinili ng diyos para sa kanyang templo". Ito ay salungat sa Torah ng Hudaismo na tumutukoy sa "lugar na pipiliin ng diyos".

Kaugnayan sa nananaig na Hudaismo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang Samaritanong Mezuzah na nakaukit sa itaas ng harapang pinto.

Tinatawag ng mga Samaritano ang kanilang mga sarili bilang Bene Yisrael ("Mga Anak ni Isarael") na isang katawagang ginagamit ng lahat ng mga denominasyong Hudyo na pangalan sa mga Hudyo bilang kabuuan. Gayunpaman, hindi tinatawag na mga Samaritano ang kanilang sarili na Yehudim(Judean) na pamantayang pangalang Hebreo para sa mga Hudyo.

Ang saloobing Talmudiko ng Hudaismo na inihayag sa traktadong Kutim ay ang mga Samaritano ay tatratuhing mga Hudyo sa mga bagay kung ang kanilang pagsasanay ay umaayon sa nananaig na Hudaismo ngunit tatratuhing hindi Hudyo kung ito ay iba sa Hudaismo. Simula ika-19 siglo, itinuturing ng nananaig na Hudaismo ang mga Samaritano bilang isang sektang Hudyo at ang terminong Samaritanong Hudyo ay ginagamit para sa mga ito.[3]

Mga kasulatang relihiyoso

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang batas Samaritano ay hindi pareho sa halakha(Batas na Hudyo na rabiniko). Ang ilang mga teksto ng Samaritano ang:

    • Samaritanong Torah na itinuturing na tanging may inspirasyon ng diyos na teksto. Ito ay naglalaman ng mga 6,000 pagkakaiba mula sa Torah ng tekstong Masoretiko ng Hudaismo.
  • Mga kasulatang historikal
  • Mga tekstong Hagiograpiya
    • Samaritanong Tekstong Halakhic, Ang Hillukh (Codigo ng halakhah, kasal, etc.)
    • Samaritanong Tekstong Halakhic, Ang Kitab at-Tabbah (Halacha at interpretasyon ng ilang mga talata at kabanata mula sa Torah)
    • Samaritanong Tekstong Halakhic, Ang Kitab al-Kafi (Aklat ng Halakhah)
    • Al-Asatir—maalamat na tekstong na mga tekstong Aramiko na naglalaman ng: l
      • Haggadic Midrash, Abu'l Hasan al-Suri
      • Haggadic Midrash, Memar Markah
      • Haggadic Midrash, Pinkhas sa Taheb
      • Haggadic Midrash, Molad Maseh
Pasukan sa modernong Sinagogang Samaritano sa siyudad ng Holon, Israel
  • Defter, aklat panalangin ng mga salmo at himno.[4]
  1. 1.0 1.1 [1] Retrieved 07-10-2012.
  2. 2.0 2.1 "Joshua, The Samaritan Book Of:". JewishEncyclopedia.com. Nakuha noong 2010-02-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Shulamit Sela, The Head of the Rabbanite, Karaite and Samaritan Jews: On the History of a Title, Bulletin of the School of Oriental and African Studies, University of London, Vol. 57, No. 2 (1994), pp. 255-267
  4. Samaritan Documents, Relating To Their History, Religion and Life, translated and edited by John Bowman, Pittsburgh Original Texts & Translations Series Number 2, 1977.