Pumunta sa nilalaman

Dumfries and Galloway

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Dumfries and Galloway ay isa sa mga 32 na council areas ng Eskosya na matatagpuan sa kanluran na bahagi ng Southern Uplands. Ito ay binubuo ng makasaysayang kondado ng Dumfriesshire, Stewartry of Kirkcudbright and Wigtownshire. Ang administratibong lungsod nito ay Dumfries

Pagkatapos ng 1975 pagrereorganisa ng lokal na pamahalaan sa Eskosya, ang tatlong kondado ay pinagsama upang likhain ang rehiyon ng Dumfries and Galloway na may apat na distrito sa loob nito. Dahil sa Local Government etc.(Scotland) Act of 1994, ito ay naging iisang lokal na awtoridad.

Pinapaligiran ang Dumfries and Galloway ng East Ayshire, South Ayeshire, South Lanarkshire sa hilaga, Scottish Borders sa silangan, Cumbria sa Inglatera sa timog. Dagat Irlandes sa kanluran.[1]

Dumfries and Galloway

Dun Phris is Gall-Ghaidhealaibh
Dumfries an Gallowa
Ang Dumfries and Galloway sa Eskosya
Ang Dumfries and Galloway sa Eskosya
BansaUnited Kingdom
Admin HQDumfries
Pamahalaan
 • KonsehoDumfries and Galloway Council
Lawak
 • Kabuuan6,427 km2 (2,481 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak3rd

Ang Dumfries and Galloway ay matatagpuan sa Timog-Kanluran ng Eskosya. Ang Dumfries and Galloway ay binubuo ng tatlong makasasaysayang kondado at ang kanilang sub-areas[2]

  • Kondado ng Dumfriesshire: Annandale, Eskdale, Nithsdale
  • Kondado ng Kirkcudbrightshire: Stewarty
  • Kondado ng Wigtownshire: Machars, Rhins of Galloway

Noong 1911 ginamit ng tatlong mga kondado na ito ang pangalan na "Dumfries and Galloway". Sakop ng Dumfries and Galloway ang kanlurang bahagi ng Southern Uplands. Sakop rin nito ang Mull of Galloway na pinakatimog na bahagi ng Dumfries and Galloway.[3]

Mga systema ng tubig at mga ruta ng transportasyon sa Southern Uplands

Ang rehiyon ay may maraming systema ng tubig na papuntang timog na tumatagos sa Southern Uplands na ikinalilikha ng pangunahing daanan at riles tumatagos hilaga/timog sa rehiyon na binabasag ang mga burol sa maraming saklaw

  • Ang Ilog Cree ay dinadala ang A174 patungong hilagang-kanluran mula sa bayan ng Newton Stewart tungo sa Dirvan at ang katubigan ng Lambak ng Minnoch na nasa kanluran lamang ng mga Burol ng Galloway ay nagdadala ng maliit na daanan tungong hilagang-kanluran tungong nayon ng Glentrool tungong South Ayshire. Itong daanan na ito ay lumilisan mula sa A174 sa bayan ng Bagrennan
  • Ang katubigan ng Ken at Ilog Dee ay lumilikha ng koridor sa mga Burol ng Glekens.[4] kung saan dinadala ang A173 mula sa bayan ng Castle Douglas tungo sa Ayr. Ang mga Burol ng Galloway ay nasa kanluran ng rutang ito at ang mga Burol ng Carsphairn at Scaur ay nasa silangan.
  • Ang Ilog Nith ay tumataas sa gitna ng Dalmellington at New Cumnock sa Ayshire at tumatakbong pasilangan tapos timog sa Nithsdale tungong Dumfries. Parehas na dinadala ng Nithsdale ang A76 at ang riles mula Dumfries tungong Kilmarnock. Pinaghihiwalay nito ang mga burol ng Carsphairn at Scaur mula sa mga burol ng Lowther na nasa silangan ng Nith.
  • Ang Ilog Annan ay sumasama sa Katubigan ng Evan at ng Ilog Clyde upang likhain ang isa sa mga punong ruta mula Eskosya tungong Inglatera mula Annandale at Clydesdale, dinadala ang M74 at West Coast Railway Line. Itong puwang na ito ay pinaghihiwalay ang mga burol ng Lowther mula sa Moffat.
  • Ang Ilog Esk ay pumapasok sa Solway Firth sa timog ng Gretna na naglakbay patimog mula sa Langholm at Eskdalemuir. Ang A7 ay naglalakbay pahilaga sa Eskdale at umaabot sa Langholm at mula sa Langholm ay nagdadala tungo sa lambak ng katubigan ng Ewes tungong Teviothead kung saan sinimulan itong sundan ang Ilog Teviot tungong Hawick. Ang Eskdale ay tumutungo hilagang-kanluran mula Langholm tungo sa Bentpath at Eskdalemuir tungong Etterick at Selkirk.

Ang A701 ay sumasanga mula sa M74 sa Beattock, papunta sa bayan ng Moffat, aakyat sa Annanhead sa taas ng Devil's Beef Tub bago daanan ang pinagmulan ng Ilog Tweed at dinadala tungong Edinburgh. Mula Moffat ang A708 ay patungo sa hilagang-silangan sa tabi ng lambak ng katubigan ng Moffat(Moffatdale) paparating sa Selkirk. Ang Moffatdale ay pinaghihiwalay ang mga Burol ng Moffat mula sa mga Burol ng Ettrick sa timog.[5]

Transportasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang transportasyon sa Dumfries and Galloway ay inooperate ng mga kompanya ng bus tulad ng: Houston's, MCEwan's, Stagecoach Western, at ang mga nagooperate ng tren ay ang: Abellio ScotRail, Transpennine Express, at Avanti West Coast.[6]

Mga bayan at mga nayon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ae, Airieland, Airds of Kells, Annan, Anwoth, Ardwell
  • Beattock, Beeswing, Borgue, Brydekirk
  • Caerlaverlock, Cairngaan, Cairnryan, Cargenbridge, Carsphairn, Castle Douglas, Castle Kennedy, Clarencefield, Corsock, Creetown
  • Dalbeattie, Dalton, Dornock, Drumlanrig, Drummore, Dumfries, Dundrennan, Dunscore
  • Eastriggs, Ecclefechan, Eskdalemuir
  • Garlieston, Gatehouse of Fleet, Glenluce, Gretna Green, Gretna
  • Haugh of Urr, Hoddom
  • Isle of Whithorn
  • Johnsfield, Johnstonebridge
  • Keir, Kelloholm, Kippford, Kirkbean, Kirkcolm, Kirkcudbright, Kirkconnel, Kirkinner, Kirkpatrick Durham
  • Langholm, Leswalt, Locharbriggs, Lochmaben, Lockerbie
  • Middleshaw, Millhousebridge, Mochrum, Moffat, Moniaive, Muirhead, Mull of Galloway
  • New Abbey, New Galloway, New Luce, Newton Stewart, Newton Wamphray
  • Palnackie, Parkgate, Parton, Penpont, Portpatrick
  • Ringford, Robgill Tower, Ruthwell
  • Sandhead, Sanquhar, Sorbie, St. John's Town of Dairy, Stoneykirk, Stranaer
  • Terregles, Thornhill, Twynholm, Templand
  • Unthank
  • Wanlockhead, Whithorn, Wigtown

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]