Ang ginto ay isang kemikal na elementong may simbolong Au at bilang na atomiko na 79. Sa pinakapuro nitong anyo ito ay makinang, bahagyang mamula-mulang dilaw, siksik, malambot, nagbabago ng anyo at hugis, at ductile na metal. Ayon sa kemika, ang ginto ay isang transition metal at kabilang sa ikalawang grupo ng mga elemento. Ito ay isa sa mga hindi pinaka-aktibong elementong kemikal at solid sa ilalim ng standard na kondisyon. Ang bakal na ito ay madalas na nabubuo bilang isang free elemental form, bilang tipak  o mga butil, sa mga bato, sa mga ugat at minsan sa mga naaanod na mga deposito. Ito ay nangyayari sa isang solid series solution kasama ang  mga native element pilak at pati rin ang mga natural na alloyed na may kasamang tanso at palladium. Di kadalasan, ito ay nangyayari sa mga mineral bilang gold compounds, kung saan madalas ay may teluryo.

Gold, 79Au
Gold
AppearanceMetallic yellow
Standard atomic weight Ar°(Au)
  • 196.966570±0.000004
  • 196.97±0.01 (pinaikli)[1][2]
Gold sa talahanayang peryodiko
Hydrogen Helium
Lithium Beryllium Boron Carbon Nitrogen Oxygen Fluorine Neon
Sodium Magnesium Aluminium Silicon Phosphorus Sulfur Chlorine Argon
Potassium Calcium Scandium Titanium Vanadium Chromium Manganese Iron Cobalt Nickel Copper Zinc Gallium Germanium Arsenic Selenium Bromine Krypton
Rubidium Strontium Yttrium Zirconium Niobium Molybdenum Technetium Ruthenium Rhodium Palladium Silver Cadmium Indium Tin Antimony Tellurium Iodine Xenon
Caesium Barium Lanthanum Cerium Praseodymium Neodymium Promethium Samarium Europium Gadolinium Terbium Dysprosium Holmium Erbium Thulium Ytterbium Lutetium Hafnium Tantalum Tungsten Rhenium Osmium Iridium Platinum Gold Mercury (element) Thallium Lead Bismuth Polonium Astatine Radon
Francium Radium Actinium Thorium Protactinium Uranium Neptunium Plutonium Americium Curium Berkelium Californium Einsteinium Fermium Mendelevium Nobelium Lawrencium Rutherfordium Dubnium Seaborgium Bohrium Hassium Meitnerium Darmstadtium Roentgenium Copernicium Nihonium Flerovium Moscovium Livermorium Tennessine Oganesson
Ag

Au

Rg
platinumgoldmercury
Atomikong bilang (Z)79
Group11
Period6
Block  d-block
Electron configuration[Xe] 4f14 5d10 6s1
Electrons per shell2, 8, 18, 32, 18, 1
Physical properties
Phase at STPsolido
Melting point1337.33 K ​(1064.18 °C, ​1947.52 °F)
Boiling point3243 K ​(2970 °C, ​5378 °F)
Density (at 20° C)19.283 g/cm3[3]
when liquid (at m.p.)17.31 g/cm3
Heat of fusion12.55 kJ/mol
Heat of vaporization342 kJ/mol
Molar heat capacity25.418 J/(mol·K)
Vapor pressure
P (Pa) 1 10 100 1 k 10 k 100 k
at T (K) 1646 1814 2021 2281 2620 3078
Atomic properties
Oxidation states−3, −2, −1, 0,[4] +1, +2, +3, +5 (isang anpoterong oksido)
ElectronegativityPauling scale: 2.54
Ionization energies
  • 1st: 890.1 kJ/mol
  • 2nd: 1980 kJ/mol
Atomic radiusempirical: 144 pm
Covalent radius136±6 pm
Van der Waals radius166 pm
Color lines in a spectral range
Mga linyang espektral ng gold
Other properties
Crystal structureface-centered cubic (fcc) (cF4)
Lattice constant
Face centered cubic crystal structure for gold
a = 407.86 pm (at 20 °C)[3]
Thermal expansion14.13×10−6/K (at 20 °C)[3]
Thermal conductivity318 W/(m⋅K)
Electrical resistivity22.14 nΩ⋅m (at 20 °C)
Magnetic orderingdiamagnetic[5]
Molar magnetic susceptibility−28.0×10−6 cm3/mol (at 296 K)[6]
Tensile strength120 MPa
Young's modulus79 GPa
Shear modulus27 GPa
Bulk modulus180 GPa[7]
Speed of sound thin rod2030 m/s (at r.t.)
Poisson ratio0.4
Mohs hardness2.5
Vickers hardness188–216 MPa
Brinell hardness188–245 MPa
CAS Number7440-57-5
History
Namingmula Latin aurum, na ang kahulugan ay "gold"
DiscoveryIn the Middle East (before 6000 BCE)
Symbol"Au": mula sa Latin na aurum
Isotopes of gold
Main isotopes[8] Decay
abun­dance half-life (t1/2) mode pro­duct
195Au synth 186.01 d ε 195Pt
196Au synth 6.165 d β+ 196Pt
β 196Hg
197Au 100% stable
198Au synth 2.69464 d β 198Hg
199Au synth 3.139 d β 199Hg
Kategorya Kategorya: Gold
| references

Ang bilang na atomiko ng ginto na 79 ay ang naging daan upang ang ginto ay maging isa sa mga elementong natural na nabubuo sa kalawakan. Ito ay napag alamang nabuo sa supernova nucleosynthesis at nakikita sa alikabok na nilikha ng sistemang solar. Dahil ang mundo ay malambot pa noong ito ay nabuo, halos lahat ng mga gintong naroroon sa mga unang bahagi ng mundo ay maaring lumubog sa kaibuturang planeta. Samakatuwid, ang karamihan ng mga ginto na naroroon ngayon sa crust at mantle ng mundo ay maaaring mapunta sa ibabaw ng mundo sa pamamagitan ng mga asteroid impacts noong mahigit apat na bilyong taon na ang nakalipas.

Pinipigilan ng ginto ang pag-atake ng isahang asido ngunit maaari itong matunaw ng aqua regia. Ang pinaghalong mga asido ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng natutunaw na gold tetrachloride anion. Ang ginto ay natutunaw din sa alkaline solutions ng cyanides, na kung saan ito ay nagagamit sa pagmimina at electroplating. Ito rin ay natutunaw sa asoge, kung saan ito ay bumubuo ng amalgam alloys: ito ay hindi natutunaw sa nitric acid, kung saan natutunaw ang pilak at mga base metals, isang katangian na matagal nang ginagamit upang alamin ang pagkakaroon ng ginto sa mga bagay, pagbibigay buhay sa terminong acid test. 

Katangian

baguhin

May angking kulay dilaw ang ginto na isang metalikong elemento.[9] Maaari maging itim o rubi rin ang kulay nito kapag durog o pinulbos ito. Ang solusyong koloidal nito ay may matingkad na kulay at karaniwang ube ito. Ang ibat-ibang kulay nito ay mula sa plasmon frequency ng ginto na nasa nakikitang liwanag kung saan ang pula at dilaw ay nahuhunab (reflected) habang ang bughaw ay sinisipsip ng metal. Ang koloides lamang ng pilak ang may kaparehong pakikipagniig sa liwanag ngunit may makitid na frequency ito na nagdudulot ng kulay dilaw sa koloides nito.

Sinasabing pinakamadaling hubugin at hutuking metal ang ginto; ang isang gramo nito ay makakagawa ng isang metro kwadradong banig ng ginto o ang isang onsa ng 300 piye kwadrado. Madali itong makagawa ng tumbaga (alloy) sa maraming metal. Ang mga tumbaga nito ay makapagpapatigas o makapagbibigay ang kakaibang kulay sa kanila. Ang pagdaragdag ng tanso ay magbibigay ng mapulang metal, ang bakal ng asul, ang aluminyo ng ube, ang plátino ng puti at ang bismuth kasama ang pilak ng itim na kulay. Ang likas na ginto ay karaniwang may halo nang 8 hanggang 10 porsiyento ng pilak. Kapag mas mataas ang porsiyento ng pilak nang higit 20%, ito ay tinatawag na elektrum. Habang tumataas ang halo ng pilak, ang kulay nito ay pumuputi at bumababa naman ang angking grabedad (specific gravity) nito.

Napakagaling na konduktor (tagahatid) ng init at elektrisidad ang ginto. Hindi ito apektado ng hangin at maraming kimikal. Dahil sa maliit lamang ang epekto ng init, halumigmig, oksiheno at iba pang mababagsik na kimikal, mainam na gamitin ito bilang salapi at alahas. Gayunman, ang mga hálogo (halogens) ay sumasanib sa ginto at ang aqua regia naman ay tutunaw rito.

Ang karaniwang estado ng oksidasyon ng ginto ay +1 (Au (I) o kompuwestong aurous) at (Au (III) or kompuwestong auric). Madaling ma-redyus at mapatining na gintong metal ang mga ionong ginto sa solusyon pamamagitan ng pagdaragdag ng ibang metal bilang pang-redyus. Ang idinagdag na oksidong metal at natutunaw upang pumalit sa ginto sa solusyon at mapalabas ang ginto bilang isang tining.

Ang kamakailang saliksik ni Sir Frank Reith ng Australian National University, ipinakikita na ang mga mikrobyo ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mga deposito ng ginto, at sa paglilipat at pagtitining ng ginto upang makabuo ng butil at bato nito na naiipon sa mga depositong alubyal.

Ang konsentrasyon ng malayang elektron sa metal na ginto ay 5.90×1022 cm-3.

Mga gamit

baguhin

Ang isang purong ginto ay napakalambot sa karaniwang gamit at kalimitang pinatitigas sa pagdaragdag ng pilak, tanso o ibang metal. Sa maraming bansa, ang ginto at maraming alloy nito ay kalimitang ginagamit sa mga alahas, salapi at pamantayan sa palitan ng pera. Kapag ibinebenta bilang alahas, ang ginto ay sinusukat sa kilatis (k) kung saan ang purong ginto ay 24k. Gayunpaman, karaniwang ibinebenta ito nang may mababang sukat tulad ng 22k, 18k, 14k at 10k. Ang mababang “k” ay nangangahulugan ng mataas na porsiyento ng tanso o pilak sa alloy kung saan ang tanso ang pinakagamiting metal. Ang 14k na alloy ng ginto at tanso ay halos katulad sa kulay ng ilang bronse at ginagamit sa paggawa ng tsapa ng pulis at iba pa. Ang 18k na ginto na may mataas ng tanso ay makikita sa mga antigong alahas na may malatansong kulay na nagbibigay ng mainit na kulay. Ang katulad na kilatis ng ginto na may halong pilak ay nagbibigay naman ng malamig o maputlang kulay. Ang ilang mababang kilatis nito ay ibinebenta bilang “white gold” at manilaw-nilaw na tulad ng pilak. Higit na matibay ito sa oksidasyon kaysa purong pilak o sterling silver.

Karaniwang ginagamit sa makabagong alahas ang 20k o mas mataas dito. Dahil sa angking taas nito sa konduksiyon ng elektrisidad at resistensiya sa korosyon at iba pang kombinasyon ng natatanging katangiang pisikal at kimikal nito, ang ginto ay naging isang mahalagang metal nitong dakong huli ng siglo 20 lalo na bilang manipis na tubog sa mga printed circuit board bilang daupan at dugtungang pang-elektrikal.

• Nagagawang sinulid ang ginto na ginagamit sa mga burda.

• Dahil malambot at madaling hutukin ang ginto, nagagawa itong pinong kawad at banig na tinatawag na oha o pilas ng ginto.

• Nagbibigay ng mapusyaw at mapulang pulang kulay kapag ginamit na pangulay sa mga bubog (glass).
• May mahalagang papel ang ginto sa mga kompyuter, kasangkapang pangkomunikasyon, spacecraft, jet aircraft engines at iba pang produkto.

• Dahil sa katangiang anti-oksidante ng ginto, karaniwang ginagamit ito bilang manipis na pinta upang maseguro na may mainam na koneksiyon ng koryente

• Ang tumbaga ng ginto ay ginagamit din sa pagkukumpuni ng ngipin bilang korona at permanenteng tulay sa ngipin. Ang kaunting kainaman nitong mahubog ay mainam sa paggawa sa pag-aangkop ng rabaw sa ibang ngipin na higgit na mainam kaysa mga koronang gawa sa losa. Ang paggamit ng ginto bilang korona ng mga ngiping pangkagat at nakalitaw ay pabor sa ilang kultura.

• Ang koloides ng ginto (o nano-partikula) na may matingkad na kulay ay kasalukuyang pinag-aaralan para sa mga gamit medikal, biyolohikal at iba pa. Ito rin ang pormang ginagamit bilang pintura sa mga baldosa bago ito ilagay sa hurnohan.

• Ang Chlorauric acid (asido cloroauriko) ay ginagamit sa pagdebelop ng retrato upang bantuan ang pinilakang larawan.

• Ang Gold(III) chloride (cloruro ng ginto) ay ginagamit bilang katalisador sa kimika organika. Karaniwang simuno rin ito sa paggawa ng ibang kompuwestong ginto.

• Ang ginto ay ginagamit ng pinturang konduktibo upang makita ang mga biyolohikong materyal sa scanning electron microscope.

• Maraming paligsahan at karangalan tulad ng Olimpyada at Premyo Nobel ang naggagawad ng medalyang ginto sa nagwagi (at pilak sa pangalawa at bronse sa pangatlo).

• Magandang reflector (panghunab) ang ginto laban sa infrared at kitang liwanag. Dahil dito, ginagamit bilang pinturang proteksiyon sa maraming artipisyal na buntala (satellites) at sa mga helmet ng mga astronauts upang maibsan ang pagkabulag nila sa liwanag ng araw.

• Ang disodium aurothiomalate ay ginagamit na panggamot sa rayumang artritis (na ini-iniksiyon sa muskula). Nagpapabagal ito sa pagdami ng mga limpositos (lymphocyte), ensimang lisosoma (lysosomal), pagpapalabas ng may oksihenong kasangkot mula sa mga makropagos (macrophages) at produksiyon ng IL-1. Subalit, nagdudulot ito ng butlig sa mga sensitibo sa liwanag, pagkasira (gastrointestinal) ng tiyan at pinsala sa bato.

• Ang isotope na Au-198, (may kalhating-buhay: 2.7 araw) ay ginagamit na panggamot sa kanser at ibang sakit

• Ang oha, kaliskis o alikabok na ginto ay ginagamit na palamuti sa mga gourmet na pagkain sikat dito ang mga manatamis at inumin. Ginagamit ang kaliskis na ginto (gold flake) ng mga maharlika sa Europa noong panahong medyebal bilang dekorasyon ng pagkain at inumin para sa mayayaman at maharlikang panauhin. Sa pormang oha, kaliskis o alikabok ipakikita ang kayamanan ng nag-anyaya o sa paniniwalang ang bagay na di-karaniwan at mahalaga ay mainam sa kalusugan.

• Ang ginintuang tubig (Goldwasser sa Aleman) ay isang tradisyonal na yerbang likor mula sa Gdańsk, Polonia at Schwabach, Alemanya ay naglalaman ng maliliit na oha ng ginto. May mga mamahalin ding inumin (~$1000) na naglalaman ng maliliit ng oha ng ginto. Gayunman, dahil hindi nakikipagsanib ang ginto sa anumang kimikal na masumpungan nito sa loob ng katawan ng tao, wala itong lasa, lumalabas ito ng walang pagbabago.

• Noong panahong medyebal, sinasabing mainam ang ginto sa kalusugan sa paniniwalang mainam sa katawan ang mga di-pangkaraniwan at maganda. Kahit ang ilang mga esoteriko at ilang porma ng alternatibong medisina ay nagsasabing nakagagamot ang purong ginto. Subalit, ang mga asin at radioisotopes lamang ng ginto ang napatunayang may halagang makagaling. Ang elemental na ginto ay hindi makikipagsanib sa lahat ng kimikal na masusumpungan nito sa loob ng katawan at lalabas sa katawan nang walang pagbabago matapos ang 24 oras.

• Ang puting ginto (White gold) (tumbaga ng ginto at plátino, paladio, nikel at/o zinc) ay nagsisilbing kahalili ng plátino.

• Ang berdeng ginto (Green gold) (tumbaga ng ginto at pilak) ay ginagamit sa mga kakaibang alahas habang ang tumbaga nito sa tanso (pulang kulay) ay kalimitang ginagamit sa alahas (rosang ginto)

Kasaysayan

baguhin
 
Maskarang panlibing ni Tutankhamun

Bago pa man ang kasaysayan, kilala at mahalaga na ang ginto. Maaring ito ang unang metal na ginamit ng tao na mahalaga bilang palamuti at sa mga ritwal nito. Tinutukoy sa mga hiroglipong Ehipsiyo noon pa mang 2600 BC na ang haring Tushratta ng Mitanni na “mas marami pa ito sa lupa” sa Ehipto. Ang Ehipto at Nubia ay may yaman na nabantog bilang mayamang mapagkukunan ng ginto sa maraming kasaysayan. Binanggit ng maraming ulit ang ginto sa Lumang Tipan at kasama ito bilang handog ng mga mago sa unang kabanata ng Mateo sa Bagong Tipan. Ang timog silangan ng Itim ng Dagat ay bantog rin sa ginto. Ang pagmimina nito ay ginagawa mula pa man noong panahon ni Midas. Ginamit ang ginto sa pagtatatag ng unang salapi sa mundo sa Lidia pagitan ng 643 at 630 BC. Ang mitsa sa eksplorasyon ng mga Europeo sa Amerika ay dahil sa mga ulat na palamunting gintong suot-suot ng mga katutubong Amerikano lalo sa Gitnang Amerika, Peru at Colombia.

Matagal nang isa sa pinakamahalagang metal ang ginto at ang halaga nito ay ginagamit na pamantayan ng maraming pananalapi (na tinatawag na pamantayang ginto) sa kasaysayan. Sagisag ang ginto ng kadalisayan, kahalagahan, kamahalan at kombinasyon ng mga katangiang ito. Itinatuwa ni Thomas More sa kanyang treatise na may pamagat na Utopia ang ginto bilang sagisag ng kayamanan at kabantugan. Sa isang pulong gawang-isip, napakarami ang ginto kaya ginagamit ito bilang kadena sa mga alipin, kasangkapan sa hapag, ang upuan sa inodoro. Kapag dumarating ang mga embahador sa ibang bansa na nakasuot ng mga mararangyang alahas at tsapa ng ginto, napagkakamalanang mga taga-silbi lamang sila ng mga taga-Utopia at halap sila’y nagbibigay pugay sa mga kasamang nakasuot ng lisong kasuotan.

May isang matandang tradisyon sa pagkagat ng ginto upang mapatunayang tunay ito. Kahit na hindi ito propesyonal na paraan sa pagsubok ng ginto, ang pagkagat ay magmamarka sa ginto dahil malambot na metal ito sa panukatang Moh na ginagamit sa pagsukat ng tigas ng mineral. Mas puro ang ginto mas madali ito mamarka. Dinadaya ito sa pagpipinta ng tingga sa isang metal dahil mas malambot ito sa ginto (na nag-aayaya sa maliit na pagkalason sa tingga kapag kinagat).

 
Ang batong ginto na may timbang na 156 onsa na nasumpungan ng isang minero sa disyerto sa Timog California na gumamit ng detektor ng metal.

Noong unang panahon, madaling masumpunangan ang ginto sa lupa. Subalit mula noong 1910, halos 75% ng ginto ay minimina. Kung ang puromg ginto ay pagsamasamahin, tinatayang makabubuo ito isang kubo na may haba ng 20 m (66 ft) sa isang gilid (8000 m³).

Unang mithiin ng mga alkimiko ang makagawa ng ginto mula sa ibang sustansiya katulad ng tingga – mula sa pakikipagniig nito sa maalamat na sustansiyang tinatawag na bato ng pilosopo. Kahit hindi sila nagtagumpay sa kanilang pagsubok, naisulong ng mga alkimiko ang interes sa pag-aaral ng mga sustansiya na naglatag sa pundasyon ng kasalukuyang larangan ng kimika. Ang kanilang sagisag sa ginto ay bilog na may tuldok sa gitna na astrolohikong simbolo ng Araw sa mga matandang sulat ng mga Ehipsiyo at Tsino.

Mula noong siglo 19, nagaganap ang mga “gold rushes” kung saan may malaking deposito ng ginto ang matuklasan. Ang unang malaking tuklas ng ginto sa Estados Unidos ay naganap sa isang maliit na bayan ng Dahlonega sa hilagang Georgia. Ang mga sumunod ng mga “gold rushes” ay naganap sa California, Colorado, Otago, Australia, Witwatersrand, Black Hills at Klondike.

Dahil sa mataas na halaga nito sa kasaysayan, marami sa mga mininang ginto sa kasaysayan ay nasa sirkulasyon pa sa ibat-iba nito gamit.

Mga sanggunian

baguhin

Ang buong artikulo o mga bahagi nito ay isinalin magmula sa artikulong Gold ng Ingles na Wikipedia, partikular na ang bersiyong ito.

  1. "Standard Atomic Weights: Gold" (sa wikang Ingles). CIAAW. 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Prohaska, Thomas; Irrgeher, Johanna; Benefield, Jacqueline; Böhlke, John K.; Chesson, Lesley A.; Coplen, Tyler B.; Ding, Tiping; Dunn, Philip J. H.; Gröning, Manfred; Holden, Norman E.; Meijer, Harro A. J. (2022-05-04). "Standard atomic weights of the elements 2021 (IUPAC Technical Report)". Pure and Applied Chemistry (sa wikang Ingles). doi:10.1515/pac-2019-0603. ISSN 1365-3075.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN 978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mézaille, Nicolas; Avarvari, Narcis; Maigrot, Nicole; Ricard, Louis; Mathey, François; Le Floch, Pascal; Cataldo, Laurent; Berclaz, Théo; Geoffroy, Michel (1999). "Gold(I) and Gold(0) Complexes of Phosphinine‐Based Macrocycles". Angewandte Chemie International Edition (sa wikang Ingles). 38 (21): 3194–3197. doi:10.1002/(SICI)1521-3773(19991102)38:21<3194::AID-ANIE3194>3.0.CO;2-O. PMID 10556900.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lide, D. R., pat. (2005). "Magnetic susceptibility of the elements and inorganic compounds". CRC Handbook of Chemistry and Physics (PDF) (ika-86th (na) edisyon). Boca Raton (FL): CRC Press. ISBN 0-8493-0486-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN 0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kelly, P. F. (2015). Properties of Materials. CRC Press. p. 355. ISBN 978-1-4822-0624-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Kondev, F. G.; Wang, M.; Huang, W. J.; Naimi, S.; Audi, G. (2021). "The NUBASE2020 evaluation of nuclear properties" (PDF). Chinese Physics C. 45 (3): 030001. doi:10.1088/1674-1137/abddae.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Gaboy, Luciano L. Gold, oro, dorado, ginto, Au - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.