Santa Restituta
Itsura
Ang Santa Restituta ay isang simbahan sa Napoles, Katimugang Italya, na alay kay Santa Restituta.
Ito ang orihinal ika-6 na siglong simbahang paleo-Kristiyano sa lugar na kinatatayuan ngayon ng Katedral ng Napoles, at itinayo at isinama sa katedral nang itinayo ito noong ika-13 siglo.
Ang Santa Restituta ay may nabe na may dalawang pasilyo na hinati ng 27 mga antigong haligi, at bumubuo ng isang malaki, hiwalay na bahagi ng katedral.