Pumunta sa nilalaman

Publiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pampublikong relasyon at komunikasyong agham, ang publiko ay grupo ng mga indibiduwal na tao at ito rin ay kabuuan ng nasabing pagpapangkat. Ito ay konseptong iba sa sosyolohikal na konsepto ng Öffentlichkeit o pampublikong globo. Ang konsepto ng publiko ay binigyang kahulugan din sa agham pampulitika, sikolohiya, pamimili at pagpapatalastas. Sa pampublikong relasyon at komunikasyong agham, ito ay isa sa mga mas hindi tiyak na konsepto sa larangan. Bagaman ito ay mayroong kahulugan sa teorya ng larangan na napormula na mula sa unang bahagi ng ika-20 siglo pataas, ito ay nagdusa sa mas maraming mga nakaraang taon mula sa paggiging malabo, bilang isang resulta ng pagsasama ng mga ideya ng isang publiko sa mga kaisipang madla, piraso ng merkado, komunidad, manghahalal at stakeholder.

Ang pananaw ng teorya ng pampublikong relasyon sa publiko ay nakabatay sa situwasyon, ayon kay John Dewey at James Grunig; ang masa, kung saan ang publiko ay simpleng tinitignan bilang populasyon ng indibidwal; gumagaw ng adyenda, kung saan ang publiko ay tinitignan naman bilang isang kondisyon ng pampulitikang paglahok na hindi madaling mawala; at "homo narrans", kung saan ang publiko ay (sa mga salita ni Gabriel M. Vasquez, katulong na propesor sa Paaralan ng Komunikasyon sa Pamantasan ng Houston) isang koleksyon ng mga "indibidwal na bumubuo ng kamalayan ng grupo sa paligid ng isang di tiyak na sitwasyon at kumikilos upang malutas ang suliraning sitwasyon" (Vasquez 1993, pp.209).

Isang hindi situwasyong konsepto ng publiko ay ang kay Kirk Hallahan, propesor sa Colorado State University, na nangunguhulugang ang publiko bilang "isang grupo ng mga tao na umuugnay sa isang organisasyon, na nagpapakita ng iba't-ibang antas ng gawain – pagkawalang-kibo at maaaring (o maaaring hindi) makipag-ugnayan sa iba tungkol sa kanilang relasyon sa mga organisasyon.