Programang Luna
Ang Programang Luna[1] (mula sa salitang Rusong "Luna" na nangangahulugang "Buwan"), na minsan ding tinatawag na Lunik[1] o Lunnik, ay isang serye ng mga misyong may sasakyang-pangkalawakang robotiko na ipinadala sa buwan. Dinisensyo ang bawat isa bilang orbiter (lumulutang paikot sa buwan) o lander (lumalapag sa buwan) at ipinasahimpapawid ng Unyong Sobyet sa pagitan ng 1959 at 1976. Labinglima sa mga ito ang matagumpay, na nakagawa ng maraming mga una sa eksplorasyong pangkalawakan. Nakagawa rin ang mga ito ng maraming mga eksperimento, na pinag-aaralan ang kimikal na komposisyon ng buwan, maging grabidad, temperatura, at radyasyon. Dalawampu't apat ang pormal na binigyan ng designayong pangalang Luna, bagaman mas higit pa ang inilunsad. Noong mga panahong iyon, hindi lantarang inihayag yaong mga hindi nakarating sa takdang orbita at hindi binigyan ng bilang na pang-Luna. at binigyan lamang ng mga designasyong Cosmos yung mga hindi nagtagumpay sa mababang orbita ng Daigdig.[2]. Tinatayang mga US$4.5 bilyon ang naging gastusin para sa programang Luna.
Noong 3 Pebrero 1966, ang Luna 9 ang pinakaunang lumapag sa ibabaw ng buwan, at nagpadala sa daigdig ng mga mensaheng nagsasaad na hindi gaanong radyoaktibo ang kapatagan ang buwan kung ihahambing sa mundo, na wala itong makapal na patong ng mga alikabok, at maaaring makatuntong sa ibabaw nito ang isang may-taong sasakyang-pangkalawakan.[1]
Noong Abril 1966, ang Luna 10 ang pinakaunang sasakyang-pangkalawakan na umorbita o umikot sa paligid ng buwan.[1]
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Luna 21
- Programang Lunar Orbiter, programang pang-buwan ng Estados Unidos
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Luna, Lunik". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ RussianSpaceWeb.com