Pumunta sa nilalaman

Plaza Rajah Sulayman

Mga koordinado: 14°34′7.65″N 120°59′1.46″E / 14.5687917°N 120.9837389°E / 14.5687917; 120.9837389
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

14°34′7.65″N 120°59′1.46″E / 14.5687917°N 120.9837389°E / 14.5687917; 120.9837389

Ang Plaza Rajah Sulayman, na kilala rin bilang Liwasang Raha Sulayman, ay isang plasa sa Malate, Maynila. Hinahangganan ito ng Bulebar Roxas sa gawing silangan, Kalye San Andres sa hilaga, at Kalye Remedios sa timog. Ang plasa ay ang pinakasentro ng Malate dahil ito ay nasa harapan ng Simbahan ng Malate, ang pangunahing simbahan ng distrito.

Noong panahon ng pagsakop ng mga Espanyol, ang plasa ay isang simpleng bakanteng lupain na matatagpuan sa gitnang bahagi mula sa baybayin ng Look ng Maynila at ng Simbahan ng Malate, kung saan ang dulo nito ay isang dalampasigan na nagsilbing sikat na paliguan sa panahong iyon. Subalit sa pagsapit ng panahong Amerikano, ang plasa ay hinati mula dalampasigan dahil sa reklamasyon ng lupang ginawa para sa konstruksiyon ng Bulebar Roxas.[1] Ang plasa ay muling inayos noong 2002, sa pamumuno ni dating Alkalde Lito Atienza, bilang bahagi ng pagpapaganda ng lugar na ang layunin ay makapaghatak ng mga turista na dumalo roon,[2] kasama rin dito ang paglalagay ng bagong bukal.[3] May malaking tawirang dumurugtong sa Baywalk, na ipinuna ng ilan dahil naging sanhi ito ng paglala ng trapiko sa kahabaan ng Bulebar Roxas.[4]

Dahil sa pagsasaayos nito noong 2002, ang Plaza Rajah Sulayman ay tinaguriang makabagong sentro ng panggabing buhay (nightlife) sa Malate, na kadalasang inuugnay lamang sa Rotonda ng Remedios sa bandang loob ng distrito, at bilang lover's lane rin ng Maynila.[5] Kilala rin ang plasa bilang isa sa mga pinakamagandang lugar para mapanood ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.[3] Subalit nang maihalal si Alfredo Lim bilang alkalde ng Maynila noong 2007 at nang ipinasara niya ang lahat ng mga establisimiyento sa kahaban ng Baywalk—kung saan bahagi rin ang plasa—ikinuwestiyon ang reputasyong nito: ayon sa kolumnistang si Ducky Paredes, mas nakasasama raw kaysa sa nakabubuti para sa lungsod ang pagsara ng Baywalk.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Yu, Anson (8 Agosto 2011). "Manila Hotel: The Grand Dame by the Bay". TravelBook.ph. Summit Media. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2013. Nakuha noong 7 Hunyo 2013. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Aning, Jerome (12 Hunyo 2002). "Manila unveils newly renovated Sulayman plaza". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. p. A22. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Andino, Ronnie (30 Enero 2003). "Sa Maynila, may sigla!". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corporation. p. 7-F. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Magsajo, Dong (11 Oktubre 2006). "Metro Manila's Worst Bottlenecks". The Philippine Star. PhilStar Daily, Inc. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Gomez, Raquel P. (14 Pebrero 2003). "Ang muling pagbuhay sa tinaguriang "lover's lane"ang Malate". Philippine Daily Inquirer. Philippine Daily Inquirer, Inc. p. N1. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Paredes, Ducky (23 Abril 2013). "Missing Manila's Baywalk". Malaya. People's Independent Media, Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2013. Nakuha noong 7 Hunyo 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)