Piazza del Popolo
Ang Piazza del Popolo ay isang malaking pampublikong urbanong liwasan sa Roma. Ang pangalan sa modernong Italyano ay literal na nangangahulugang "Liwasan ng mga Mamamayan", ngunit ayon sa kasaysayan ay nagmula ito sa mga poplars (populus sa Latin, pioppo sa Italyano) na kung saan kinuha ang pangalan ng Santa Maria del Popolo, sa hilagang-silangan na sulok ng piazza.
Ang piazza ay nasa loob ng hilagang tarangkahan sa mga Pader Aureliano, dating Porta Flaminia ng sinaunang Roma, at ngayon ay tinawag na Porta del Popolo. Ito ang panimulang punto ng Via Flaminia, ang daan patungong Ariminum (moderning Rimini ) at ang pinakamahalagang ruta pahilaga. Kasabay nito, bago ang panahon ng mga riles, ito ang unang tanaw ng mga manlalakbay sa Roma sa pagdating. Sa loob ng maraming siglo, ang Piazza del Popolo ay isang lugar para sa mga pampublikong pagbitay, na ang huli na isinagawa noong 1826.