Partenohenesis
Ang partenohenesis (mula sa Griyegong parthenos "birhen" at genesis "kapanganakan") ay nangyayari sa kalikasan sa mga aphid, Daphnia, rotifer, nematode at ilang mga ibang imbertebrado gayundin sa maraming mga halaman at ilang mga butiki. Ang mga hayop na ito ay nagpapamalas ng iba't ibang mga anyo ng reproduksiyong aseksuwal kabilang ang tunay na partenohenesis, gynogenesis at hybridogenesis(na isang hindi kumpletong anyo ng partenohenesis). [1] Ang terminong ito ay minsang hindi tumpak na inilalarawan sa mga reproduksiyon ng mga hayop na hermaprodita na maaaring magparami o manganak sa sarili nito dahil ang mga ito ay may parehong mga organong reproduktibo ng parehong mga kasarian sa isang katawan ng indibidwal na hayop. Ang partenohenesis ay maaaring mangyari nang walang meiosis sa pamamagitan ng mitotikong oogenesis. Ito ay tinatawag na apomictic parthenogenesis. Ang mga may edad na selulang itlog ay nalilikha ng mga dibisyong mitotiko at ang mga selulang ito ay direktang nabubuo sa embryo. Sa mga namumulaklak na halaman, ang mga selula ng gametophyte ay maaaring sumailalim sa prosesong ito. Ang supling na nalikha ng apomictic parthenogenesis ay mga buong clone ng kanilang mga ina. Ang halimbawa nito ay kinabibilangan ng mag aphid. Ang partenohenesis na kinasasangkutan ng meiosis ay mas komplikado. Sa ilang mga kaso, ang mga supling ay haploid. Sa ilang mga kaso na magkakasamang tinatawag na automictic parthenogenesis, ang ploidy ay nababalik sa diploidy sa iba't ibang mga paraan. Ito ay dahil ang mga indbidwal na haploid ay hindi mabubuo sa karamihan ng mga species. Sa automictic parthenogenesis, ay iba sa bawat isa at mula sa kanilang ina. Ang mga ito ay mga kalahating clone ng kanilang ina.
Pating
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang partenohenesis ay nakumpirma sa tatlong espesye ng pating, ang bonnethead, blacktip shark, zebra shark.