Pumunta sa nilalaman

Ngiti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang Gambianang nakangiti.

Ang ngiti o ngisi[1] ay isang anyo, bikas, hilatsa, o hitsura ng mukha ng isang tao na karaniwang ginagawa kapag masaya siya. Maraming dahilan kung bakit ngumingiti ang isang tao, katulad ng kapag may ibang taong nagsabi ng nakakatawang biro o pagngiti dahil sa pagkuha ng larawan o litrato. Subalit minsan ding ngumingiti ang tao upang maikubli o maitago ang isang nakakahiyang damdamin. Karaniwang nagagamit ang ngiti bilang tanda ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, pagsang-ayon, o sagisag ng katuwaan. Paminsan-minsang ipinakikita ng mga hayop ang kanilang mga ngipin o pangil, tinatawag na sangil[1] upang magpadama o magpakita ng takot o kapangyarihan. Sa mahigpit na kahulugan, ang ngisi ay isang maluwang na ngiti at katumbas ng ngisngis.[2]

Nagiging ngisngis o ngiting-aso ang ngiti kung isa itong mapang-uyam o mapanlibak na ngiti, tawa, halakhak, o hagikgik, na karaniwang kitang-kita ang mga ngipin. Maaari rin itong maging bungisngis, o impit na tawa. Ngunit nagiging simangot, pag-ismid, pagbusangot, o pagbusangol, na pagngiwi ng mukha dahil sa kirot, pagkaasar, pagakainis, o galit, at katumbas ng pagsambakol ng mukha. Kaugnay ng ngiting-aso, isa itong bastos, pilyo, tuso, mautak, madaya, patraydor at makasariling pagtawa o paghalakhak.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Smile, ngiti, ngisi; snarl, sangil; snicker, simper, giggle, snigger, smirk, silly laugh, sly - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Ngisi, a broad smile, ngisngis". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 944.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.