Ngalan
Ang isang ngalan o pangalan ay isang katawagan na ginagamit para sa pagbibigay ng pagkakakilanlan. Nakikilala sa mga pangalan ang isang uri o kaurian ng mga bagay, o isang bagay na natatangi o nasa binigay na konteksto. Sa lingguwistika, ang isang entidad o tao na kinikilala sa pamamagitan ng isang ngalan ay tinatawag na referent o reperente, ang bagay o tao na tinutukoy. Ang pansariling pangalan ay kinikila na hindi kinakailangang katangi-tangi ang isang partikular na indibiduwal na tao. Tinatawag na pangalang pantargi (proper name) ang isang partikular na entidad (bagaman mayroon din na kahulugang pampilosopiya ang katawagan na iyon) at kapag binubuo lamang ng isang salita, tinatawag itong pangngalang pantangi (proper noun). Ang ibang pangngalan ay tinatawag minsan bilang "karaniwang pangalan" o (di na ginagamit) "pangkalahatang pangalan". Ang isang ngalan ay maaring ibigay sa isang tao, lugar, o bagay; halimbawa, nagbibigay ng pangalan sa kanilang anak ang mga magulang o nagbibigay ng pangalan ang isang siyentipiko sa pangalan ng isang elemento.
Mga indibiduwal na pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang buong pangalan o pansariling pangalan ay kumikilalang isang salita o mga salita na kung saan ang isang indibiduwal ay malapit na nakilala o tinawag katulad ng "Andre," "Sophia-Grace," or "Mohammed."[1] Tradisyunal na sa mga indibiduwal ang magkaroon ng pansariling pangalan (tinatawag din na "unang pangalan") at isang huling pangalan (tinatawag din na "pangalan ng angkan" o "apelyido" dahil pare-pareho ito sa mga kasapi ng parehong pamilya)).[2] Ginagamit din ang gitnang pangalan ng maraming tao bilang ikatlong pakakakilanlan, at maaring piliin para sa pansariling kadahilanan kabilang ang pagpapakita ng ugnayan, pagpapanatili ng pangalan bago ikasal o pangalan sa pagkadalaga (isang tanyag na kasanayan sa Estados Unidos), at panatiihin ang pangalan ng angkan.
Sa kaisipang relihiyoso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong lumang panahon, partikular sa lumang malapit-sa-silangan (Israel, Mesopotamia, Ehipto, Persya), iniisip ang mga pangalan na labis-labis ang kapangyarihan at gumaganap, sa ilang mga paraan, bilang isang hiwalay na pagkakilanlan ng isang tao o diyos.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "personal name". Merriam-Webster.com (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 18 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "General words for names, and types of name". macmillandictionary.com (sa wikang Ingles). Macmillan Dictionary. Nakuha noong 18 Hunyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Egyptian Religion", E. A. Wallis Budge", Arkana 1987 edition, ISBN 0-14-019017-1 (sa Ingles)