Pumunta sa nilalaman

Nasi lemak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nasi lemak
ناسي لمق
Nasi lemak na may sotong pedas (maanghang na pusit), sarsang sambal, nilagang itlog, hiniwang pipino, ikan bilis at mani na inihain sa isang restoran sa Penang
KursoPangunahing pagkain, kadalasan pang-almusal
LugarMalasya[1][2][3][4]
Rehiyon o bansaMalasya Peninsular, iilang bahagi ng Sumatra sa Indonesya, (Medan, Riau, Kapuluang Riau at Palembang), Singapura, Brunay, Timog Pilipinas, Timog Taylandiya, Kapuluang Cocos (Keeling) at Pulo ng Christmas sa Australya
Ihain nangMainit o temperatura ng silid
Pangunahing SangkapKanin na niluto sa gata na may dahon ng pandan
Karagdagang SangkapIpinapares sa sambal, dilis, pipino, at iba't ibang pamutat
  •  
    • Mga midyang may kaugynayan sa [[commons:|Media: Nasi lemak
      ناسي لمق]] sa Wikimedia Commons

Ang nasi lemak (Jawi :ناسي لمق‎) ay isang ulam na nagmula sa lutuing Malay na binubuo ng mabangong kanin na niluto sa gata at dahon ng pandan. Karaniwan itong matatagpuan sa Malasya, kung saan itinuturing ito bilang pambansang putahe ng kanilang lutuin.[5][6][7] Isa rin itong katutubong pagkain sa mga kalapit na lugar na may makabuluhang populasyon ng mga etnikong Malay tulad ng Singapura[8][9] at Timog Taylandiya. Sa Indonesya, matatagpuan ito sa ilang bahagi ng Sumatra, lalo na sa mga rehiyong Malay ng Riau, Kapuluang Riau at Medan.[10] Itinuturing ito bilang mahalagang putahe sa isang tipikal na almusal ng mga Malay. Itinatampok ang nasi lemak bilang pambansang putahe sa mga brosyur panturismo at mga materyal na pang-promosyon ng Malasya.[11]

Ibinanggit ang nasi lemak sa aklat na The Circumstances of Malay Life ("Ang Kalagayan ng Buhay Malay"), na isinulat ni Sir Richard Olof Winstedt noong 1909.[12][13] Nakasalig sa kulturang Malay at lutuing Malay, "matabang kanin" ang literal na kahulugan ng pangalan nito sa wikang Malay,[14][15] ngunit sa kontekstong ito, "malasa" o "makrema" ang ibig sabihin nito.[16] Hinango ang pangalan mula sa proseso ng pagluluto kung saan ibinababad ang bigas sa kakanggata at pinapasingawan ito. Karaniwang iniluluto ang bigas sa dahon ng pandan na nagpapaiba sa lasa nito.[14]

Tradisyonal na ibinabalot ang nasi lemak sa mga dahon ng saging

Kinaugaliang ibinabalot at inihahain ang nasi lemak sa mga dahon ng saging, nilalahukan ng maanghang na sarsa (sambal) at iba pang pamutat tulad ng sariwang pipino na nakahiwa, maliliit na dilis na ipinrito (ikan bilis), tinostang mani, at itlog na pinrito o nilaga.[14][17]

Kung nais pabigatan ang pagkain, maaaring ipares ang nasi lemak sa ulam na may protina tulad ng ayam goreng (pritong manok), sambal sotong (pusit lumot sa sili), maliliit na pritong isda, sigay, at rendang daging (bakang inestupado sa gata at espesya).[17][18] Kabilang sa mga iba pang isinasabay rito ang kangkong,[19] at acar (ensalada ng maanghang na inatsarang gulay). Karaniwan, maanghang ang karamihan ng mga pamutat na ito.

Malawakang kinakain ang nasi lemak sa Malasya at Singapura. Karaniwang inaalmusal sa dalawang bansang iyon, ibinebenta ito sa mga hokeran at tindahan sa bangketa sa Malasya at Singapura.[8] Sa Malasya, mahahanap din ang nasi lemak sa mga magdamagang merkado o pasar malam kasabay ng mga iba pang pagkain.

Sa Indonesya, isang sa mga paboritong almusal ng mga lokal ang nasi lemak; lalo na sa Silangang Sumatra (mga lalawigan ng Kapuluang Riau, Riau at Hilagang Sumatra).[20]

Sa mga lalawigan ng Palembang at Jambi, isa rin ito sa mga paboritong pagkain ng mga lokal, at doon, tinatawag itong nasi gemuk, dahil sa Malay ng Palembang, magkasingkahulugan ang gemuk at lemak. Kadalasan, itong kakaibang bersiyon ay nakabalot sa dahon ng saging, diyaryo, o sa ilang kainan, nakahain sa plato. Subalit dahil sa kasikatan nito roon, may mga restorang naghahain nito tuwing tanghalian o hapunan, kaya makakain ito sa anumang oras.

Noong 31 Enero 2019, naglabas ang Google ng Google Doodle bilang pagdiwang sa nasi lemak.[21]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rachel Au (18 Agosto 2021). "Nasi Lemak: An Origin Story" [Nasi Lemak: Isang Kuwento ng Pinagmulan]. Buro 24/7 (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Teh, Eng Hock (2009-09-17). "Laksa and nasi lemak among our pride, says Yen Yen" [Laksa at nasi lemak sa mga ipinagmamalaki natin, sabi ni Yen Yen]. www.thestar.com.my. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Nobyembre 2018. Nakuha noong 2018-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ahmad, Aida (2014-11-19). "Nasi lemak - once a farmer's meal, now Malaysia's favourite" [Nasi lemak - dating pagkaing ng mga magsasaka, paborito ng Malasya ngayon]. www.thestar.com.my (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Ram, Sadho (2014-05-18). "Ipoh-Born Ping Coombes Wins MasterChef 2014 By Cooking Nasi Lemak And Wonton Soup" [Ping Coombes na Isinilang sa Ipoh, Nanalo ng MasterChef 2014 sa Pagluluto ng Nasi Lemak at Sinabawang Wonton]. SAYS.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-11-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dwayne A. Rules (7 Abril 2011). "Nasi lemak, our 'national dish'" [Nasi lemak, ang aming ;pambansang putahe']. The Star (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Hulyo 2014. Nakuha noong 6 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Naomi Lindt (22 Nobyembre 2012). "A Food Bloggers' Tour of Kuala Lumpur" [Paglibot ng Blogger ng Pagkain sa Kuala Lumpur]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Pebrero 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "#CNNFoodchallnge: What's your national dish? | CNN Travel". CNN Travel (sa wikang Ingles). 2015-09-18. Nakuha noong 2018-11-16.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.0 8.1 Williams, Vicki (2019-07-15). "Is nasi lemak from Malaysia or Singapore?" [Mula ba sa Malasya o Singapura ang nasi lemak?]. South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-09-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Nasi lemak" (sa wikang Ingles). VisitSingapore.com. Nakuha noong 5 Mayo 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Muhammad Irzal Adiakurnia (11 Agosto 2017). "Mencicipi Harum dan Lembutnya Nasi Lemak Medan di Jakarta". Kompas.com (sa wikang Indones).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Tibère, Laurance (Mayo 2019). "Staging a National Dish: The social relevance of Nasi Lemak in Malaysia" [Pagtatanghal ng Pambansang Putahe: Ang kahalagahan ng Nasi Lemark sa lipunan ng Malasya] (PDF). Asia-Pacific Journal of Innovation in Hospitality & Tourism (sa wikang Ingles). 8: 51–66 – sa pamamagitan ni/ng EBSCO.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Winstedt, Sir Richard Olof; Winstedt, Richard (1909). The Circumstances of Malay Life [Ang Kalagayan ng Buhay Malay] (sa wikang Ingles). Ams Press Inc. ISBN 978-0-404-16882-7. Nakuha noong 23 Pebrero 2014.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. The circumstances of Malay life Free Ebook [Libreng Ebook ng Ang Kalagayan ng Buhay Malay] (sa wikang Ingles). 1981. ISBN 9780404168827.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 14.2 April V. Walters =, pat. (2014). The Foodspotting Field Guide [Gabay sa Paghahanap ng Pagkain sa Larangan] (sa wikang Ingles). Chronicle Books. p. 52. ISBN 978-1452119878.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Nasi Lemak". Delectable Asia. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Carol Selva Rajah (4 Pebrero 2014). Heavenly Fragrance: Cooking with Aromatic Asian Herbs, Fruits, Spices and Seasonings [Bangong Makalangit: Pagluluto gamit ang mga Masamyong Asyanong Yerba, Prutas, Espesya at Panimpla] (sa wikang Ingles). Periplus Editions (HK) ltd. p. 103. ISBN 978-0794607371.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Lee Khang Yi (31 Agosto 2014). "Nasi lemak: The one dish that unites us all" [Nasi lemak: Ang iisang putahe na nagkakaisa sa atin]. Malay Mail Online (sa wikang Ingles).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Karen-Michaela Tan (14 Oktubre 2014). "Nasi Lemak Wars" [Digmaan ng Nasi Lemak]. Hungry Go Where (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Septiyembre 2017. Nakuha noong 1 Agosto 2024. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  19. Rita Zahara (1 Enero 2012). Malay Heritage Cooking [Pamanang Pagluluto ng mga Malay] (sa wikang Ingles). Marshall Cavendish International (Asia) Pte Ltd. p. 126. ISBN 978-9814328661.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Local Favorite Food" [Mga Paboritong Pagkain ng Mga Lokal]. Wonderful Kepulauan Riau (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Michallon, Clémence (31 Enero 2019). "Nasi lemak: What is the Malaysian dish and why is it being celebrated?" [Nasi lemak: Ano itong pagkaing Malasyo at bakit ito ipinagdiriwang?]. The Independent (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2022. Nakuha noong 31 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)