Litob
Litob | |
---|---|
Takupis ng litob (ispesimen mula sa MNHN, Paris) | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Mollusca |
Hati: | Bivalvia |
Orden: | Arcida |
Pamilya: | Arcidae |
Sari: | Tegillarca |
Espesye: | T. granosa
|
Pangalang binomial | |
Tegillarca granosa | |
Kasingkahulugan | |
|
Ang litob (Tegillarca granosa o Anadara granosa[2]) ay isang uri ng kabibe sa pamilyang Arcidae. Sa wikang Ingles, tinatawag itong blood cockle o blood clam dahil sa pulang hemoglobin na likido sa loob ng malambot na himaymay nito. Matatagpuan ito sa buong rehiyon ng Indo-Pasipiko mula sa silangang baybayin ng Timog Aprika pahilaga at pasilangan hanggang Timog-silangang Asya, Australya, Polinesya, at hanggang hilagang Hapon. Pangunahing namumuhay ito sa tabing-dagat mula isa hanggang dalawang metrong lalim ng tubig na nakabaon sa buhangin o putik. Kapag adulto na ito, halos 5 hanggang 6 cm ang haba at 4 hanggang 5 cm ang lapad nito.[3]
Paggamit ng mga tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Akuwakultura
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mataas ang halaga nito sa ekonomiya bilang pagkain, at inaakuwakultura ito. Sa baybayin ng Lalawigan ng Zhejiang lamang, sumasakop ang mga lituban ng halos 145,000 mu (halos 100 km2) ng latiang-putik.[5] Ipinapalaki rin itong mga kabibe sa mga estero ng ilog ng karatig na Lalawigan ng Fujian.[4]
Sa pagluluto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Indonesya, medyo sikat na pagkain ang litob (Indones: kerang darah) at inihahain sa iba't ibang klase ng pagluluto, kabilang dito ang pinakuluan, pinrituhan, at gisado. [6]
Sa Korea, kkomak (꼬막) ang tawag sa litob at niluluto sa at tinitimplahan ng toyo, gochutgaru (pinulbos na sili), at langis ng linga.[7]
-
Kkomak bago ihanda
-
Kkomak na naihanda na
-
Kkomak-muchim (tinimplahang litob)
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Tegillarca granosa (Linnaeus, 1758)". World Register of Marine Species. Nakuha noong 24 Enero 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (pata de mula)SPECIES: Tegillarca granosa (Malaysian cockle)(Anadara granosa)
- ↑ Pathansali, D. (1966).
- ↑ 4.0 4.1 Ruǎn Jīnshān; Li Xiùzhū; Lín Kèbīng; Luō Dōnglián; Zhōu Chén; Cài Qīnghǎi (阮金山;李秀珠;林克冰;罗冬莲;周宸;蔡清海), 安海湾南岸滩涂养殖贝类死亡原因调查分析 (Analisis ng mga ikinamatay ng mga pinalaking kabibe sa laitan ng putik sa timugang bahagi ng Look ng Anhai), 《福建水产》 (Fujian Aquaculture), 2005-04
- ↑ 泥蚶抗高氨氮、高硫化物家系选育 (Pagpaparami ng mga baryante ng litob na may resistensiya sa kapaligirang may mataas na nitroheno at sulpuro). (Pagsapit ng 2009 ang mga numero)
- ↑ "8 Resep olahan kerang dara paling enak, sehat, sederhana, dan praktis". 16 Hulyo 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chung, Da-young (Disyembre 2015). "Cockles" [Sigay]. KOREA. Bol. 11, blg. 12. Korean Culture and Information Service. ISSN 2005-2162. Nakuha noong 13 Abril 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)