Pumunta sa nilalaman

Lalawigan ng Mae Hong Son

Mga koordinado: 19°17′17″N 97°57′52″E / 19.288055555556°N 97.964444444444°E / 19.288055555556; 97.964444444444
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lalawigan ng Mae Hong Son

จังหวัดแม่ฮ่องสอน
Watawat ng Lalawigan ng Mae Hong Son
Watawat
Map
Mga koordinado: 19°17′17″N 97°57′52″E / 19.288055555556°N 97.964444444444°E / 19.288055555556; 97.964444444444
Bansa Thailand
LokasyonThailand
KabiseraMae Hong Son
Bahagi
Lawak
 • Kabuuan12,681.25 km2 (4,896.26 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2020)[1]
 • Kabuuan284,549
 • Kapal22/km2 (58/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166TH-58
Websaythttp://www.maehongson.go.th/

Ang Mae Hong Son (แม่ฮ่องสอน) (na tinatawag din Maehongson o Maehongsorn) ang pinakahilaga at pinakakanlurang lalawigan (changwat) sa Thailand. Naghahanggan ang lalawigan sa mga lalawigan ng Chiang Mai at ng Tak. Naghahanggan din ito sa mga Estado ng Kayah at Estado ng Kayin sa kanluran sa bansang Myanmar.

63% ng populasyon ng lalawigan ay kasapi ng mga katutubong tagabundok, ang ilan sa kanila ay ang mga Taong Hmong, Taong Yao, Taong Lahu, Taong Lisu, Akha, at ang mga Taong Karen. Ang isa pang malaking pangkat etniko ay ang mga Shan. Pinakaunti ang densidad ng populasyon sa lalawigan na ito ng Thailand.

Ang panglalawigang sagisag, ang Rup chang nai thong nam (รูปช้างในท้องน้ำ), ay ibinatay sa pagtuturo ng mga galang elepante upang matutong sumunod sa mga utos sa mga labanan at sa iba pang uri ng paggawa ng mga hayop. [1] Naka-arkibo 2007-05-03 sa Wayback Machine.

Ang desisyon sa likod ng pagpili ng Rup chang nai thong nam, na nangangahulugang Larawan ng Elepante sa isang bahagi ng Tubig, bilang sagisag ng lalawigan dahil ito ang pinagmulan ng pagkakatatag ng Mae Hong Son, na sinimulan ni Panginoong Kaeo ng Ma na ipinadala para humuli ng mga elepante para sa Panginoon ng Chiang Mai (1825-1846). Noong nasa Mae Hong Son na, pinagsama niya ang mga kalat kalat na pamayanan ng mga Shan upang magtatag ng dalawang pangunahing mga barangay na pamumunuan ng kanilang ihahahalal na pinuno, ito ay ang mga barangay Ban Pang Mu at Ban mae Hong Son. [2] Naka-arkibo 2007-05-03 sa Wayback Machine.

Ang puno ng lalawigan ay Millettia brandisiana, at ang panglalawigan bulaklay ay tree marigold.

Pagkakahating Administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mapa ng Amphoe
Mapa ng Amphoe

Ang lalawigan ay nahahati sa 7 distrito (Amphoe). Ito ay nahahati pa sa 45 na mga commune (tambon) at 402 mga barangay (muban).

  1. Mae Hong Son
  2. Khun Yuam
  3. Pai
  4. Mae Sariang
  1. Mae La Noi
  2. Sop Moei
  3. Pangmapha

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://stat.bora.dopa.go.th/stat/statnew/statyear/#/TableTemplate3/Area/statpop?yymm=63&topic=statpop&ccNo=58.