Pumunta sa nilalaman

Laboratoryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Laboratoryo

Ang laboratoryo (/ləˈbɒrətəri/ or /ˈlæbərətri/; impormal ay lab) ay isang pasilidad na nagbibigay ng kontroladong kondisyon kung saan ang mga siyentipiko o teknolohikal na pananaliksik, mga eksperimento, at pagsusukat ay maaaring gawin.

Ang mga laboratoryo na ginagamit para sa mga pang-agham na pananaliksik ay may iba't ibang uri dahil sa mga pagkakaiba sa pangangailangan ng mga espesyalista sa iba't ibang larangan ng siyensiya at pag-iinhinyero. Ang laboratoryo sa pisika ay maaaring maglaman ng aselerador ng kapurit o kamara na panghigop, samantalang ang laboratoryo ng metalurhiya ay maaaring magkaroon ng aparato para sa pagmomolde at pagpapakinis ng mga metal o para sa pagsubok sa katibayan ng mga ito. Ang mga kimiko o biyologo ay maaaring gumamit ng basang laboratoryo,samantalang ang laboratoryo ng sikologo ay maaaring isang kwarto na mayroong mga salamin, kung saan ang isang panig lamang ang nakakakita sa mga nangyayari sa likod nito, at mga nakatagong kamera na ginagamit sa pagmamasid ng mga kilos. Sa ibang mga laboratoryo, tulad ng karaniwang gamit ng mga siyentista sa kompyuter, mga kompyuter ang gamit nila para sa simulasyon o pagsusuri ng mga datos na nakolekta mula sa ibang lugar. Ang mga siyentipiko sa ibang larangan ay gumagamit din ng iba pang uri ng laboratoryo. Ang mga inhinyero ay gumagamit ng laboratoryo para sa pagdidisenyo, paggawa, at pagsusuri ng mga kagamitang pangteknolohiya.

Ang mga laboratoryong pang-agham ay maaaring makita sa mga paaralan at unibersidad, sa industriya, sa pamahalaan o pasilidad na pangmilitar, at pati na rin sa mga sasakyang pandagat at pangkalawakan.