Kasaysayan ng Roma
Ang Kasaysayan ng Roma ay tumutukoy sa dating roma na malaki at kahanga-hanga pagkakatatag ng Roma hanggang sa maging isa itong ganap na kabihasnan, at pangkasalukuyang katayuan nito.
Bilang monarkiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa alamat, itinatag ng kambal na magkakapatid na lalaking sina Romulus at Remus ang lungsod at kaharian ng Roma noong Abril 21, 753 BK. Nagbuhat ang dalawang magkapatid na ito mula sa lahi ng prinsipeng Troyanong si Aeneas.[1] Pagkaraan ng maraming mga pagtatalo, pinatay ni Romulus si Remus, at pinangalanan ang lungsod mula sa kanyang pangalan, bilang Roma.
Mula 753 BK hanggang 509 BK, pinamunuan ang Roma ng mga haring Latin at Etruskano. Sumasakop ito sa panahon mula pagkakatag ng lungsod ni Romulus hanggang sa paghihimagsik laban kay Tarquinius Superbus.[2]
Bilang republika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging republika ang Roma mula 509 BK hanggang 27 BK. Nagtagal ang republika mula sa pagpapatalsik kay Tarquinius Superbus hanggang sa pagtatalaga kay Octavian bilang Augustus. Kaapu-apuhang lalaking pamangkin ni Julius Caesar si Octavian, na nagtagumpay laban kay Mark Antony sa isang digmaang sibil na nagdulot ng pagwawakas ng republika. Kabilang din sa mga pangunahing tao sa panahon ng republika ng Roma sina Marcellus (268 BK-208 BK), Marius (157 BK-86 BK), Sulla (138 BK-79 BK), at Pompey (106 BK-48 BK).[2]
Bilang imperyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Maagang imperyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sakop ng maagang imperyo ng Roma ang mula 27 BK hanggang 96 AD. Nagsimula ito sa pamumuno ni Augustus at mga kapalit niyang binansagang mga Julio-Claudiano. Nagtagal ito hanggang sa dinastiyang Flaviano. Kabilang sa mga emperador ng maagang imperyo ng Roma sina Augustus, Tiberius, Caligula, Claudius, Nero, Vespasian, Titus, at Domitian.[2]
Mataas na imperyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa panahon ng Mataas o Kataasan ng Imperyong Romano ang mula 96 AD hanggang 192 AD. Nagsimula ang imperyong ito sa pamumuno ni Nerva at ng mga Kastilang emperador, na nasundan ng kay Trajan at Hadrian. Nagwakas ang imperyong ito sa kapanahunan ng huling emperador ng dinastiyang Antonino o Antonine. Kabilang din sa mga naging emperador ng imperyong ito sina Antoninus Pius, Marcus Aurelius, Lucius Verus (bilang kasamang emperador), at Commodus.[2]
Huling imperyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nasasakop ng Huli o Hulihan ng Imperyo ng Roma ang mula 192 AD hanggang 337 AD. Nagsimula ito sa dinastiyang Severano na kinabilangan ng mga kawal na mga emperador noong ika-3 daang taon. Nasundan sila ng namunong mga Tetrach. Sa huling yugto ng imperyong ito namuno si Constantino I, ang unang Kristiyanong emperador. Kabilang din sa mga naging emperador ng Huling Imperyo sina Septimius Severus, si Caracalla , Severus Alexander, Trajan Decius, Trebonianus Gallus, at Diocletian.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Adkins, 1998. pahina 3.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Kleiner, Fred S. at Christin J. Mamiya (2005). "An Outline of Roman History". Gardner's Art Through the Ages, ika-12 edisyon. Wadsworth/Thomson Learning, Kaliporniya, ISBN 0155050907.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 248.