Pumunta sa nilalaman

Gilgamesh

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gilgamesh
Si Gilgamesh na pinapakita sa The Chaldean Account of Genesis (1876)
TirahanEarth
SymbolBull, Lion
Mga magulangLugalbanda at Ninsun

Si Gilgamesh (play /ˈɡɪl.ɡə.mɛʃ/; kuneipormang Akkadiano: 𒄑𒂆𒈦 [𒄑𒂆𒈦], Gilgameš, na kadalasang binibigyan ng epithet na ang Hari at kilala rin bilang Bilgames sa pinakamaagang mga tekstong Sumeryo)[1] ang ikalimang hari ng Uruk na kasalukuyang Iraq, (Simulang Dinastiko II, unang dinastiya ng Uruk) na naglalagay sa kanyang paghahari noong ca. 2500 BCE. Ayon sa talaan ng mga haring Sumeryo, siya ay naghari ng 126 na mga taon. Sa Inskripsiyong Tummal,[2] muling itinayo ni Gilgamesh at ng kanyang anak na lalakeng si Urlugal ang sanktuwaryo ng diyosang si Ninlil sa Tumal na isang sagradong kwarter sa kanyang siyudad na Nippur.

Si Gilgamesh ang sentral na karakter sa Epiko ni Gilgamesh na pinakadakilang umiiral na akda ng maagang panitikang Mesopotamiano. Si Gilgamesh ay 2/3 Diyos at 1/3 tao.

Si Gilgamesh ay pangkalahatang tinatanggap ng mga skolar na tunay na umiral sa kasaysayan dahil sa mga inskripsiyon na natuklasan na kumukumpirma sa pag-iral ng ibang mga pigurang nauugnay sa kanya gaya ng mga haring sina Enmebaragesi at Aga ng Kish.[3][4]

Ang mga pragmento ng tekstong epiko na natuklasan sa Me-Turan (modernong Tell Haddad) ay nagsasalaysay na sa wakas ng kanyang buhay, si Gilgamesh ay inilibing sa ilalim ng isang kama ng ilog. Inilihis ng mga tao ng Uruk ang daloy ng Euphrates na dumadaan sa Uruk para sa paglilibing ng namatay na hari sa kama ng ilog. Noong Abril 2003, inangkin ng isang ekspedisyong Aleman na kanilang natuklasan ang huling libingan ni Gilgamesh.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The Epic of Gilgamesh, translated by Andrew George 1999, Penguin books Ltd, Harmondsworth, p. 141 ISBN 13579108642
  2. Ang Tummal Inscription, isang pinalawig na tala ng mga hari na nasa pamantayang Lumang Babilonyano ng mga kopyang-teksto, na umiiral sa maraming mga halimbawa, magmula sa Ur hanggang Nippur.
  3. Smith, George (1872). "The Chaldean Account of the Deluge", in Transactions of the Society of Biblical Archaeology, Volumes 1-2, pp.213–214. Society of Biblical Archæology; London.
  4. Alfred Jeremias, Izdubar-Nimrod, eine altbabylonische Heldensage (1891).
  5. "Gilgamesh tomb believed found", BBC News, 29 April 2003
Sinundan:
Aga ng Kish
Hari ng Sumer
ca. 2600 BCE
Susunod:
Ur-Nungal
Sinundan:
Dumuzid, ang Mangingisda
Ensi ng Uruk
ca. 2600 BCE