Pumunta sa nilalaman

Galaksiyang Andromeda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Galaksiyang Andromeda.

Ang Galaksiyang Andromeda ay ang pinakamalapit na galaksiyang paikot (galaksiyang sinuso) sa Daang Magatas, ang galaksiya na kinaroroonan ng Daigdig ng tao.[1][2] Ang Andromeda ay paminsan-minsang tinatawag ng mga astronomo bilang M31 o NGC 324.[1][3] Humigit-kumulang sa 2.6 mga milyong taong liwanag ang layon nito magmula sa Mundo ng tao[3]

Ang Andromeda ang pinakamalaking galaksiya ng Katutubong Pangkat, na binubuo ng Galaksiyang Andromeda, ang Galaksiya ng Daang Magatas, ang Galaksiyang Triangulum, at ng humigit-kumulang sa 30 ibang maliliit pang mga galaksiya. Bagaman pinakamalaki, ang Andromeda ay maaaring hindi pinaka makimpal. Iminumungkahi ng kamakailang mga pagkakatuklas na ang Daang Magatas ay naglalaman ng mas maraming mga materyang madidilim at maaaring ito ang pinaka makimpal na nasa kapangkatan.[4]

Ang mga obserbasyon ng Teleskopyong Pangkalawakan ng Spitzer noong 2006 ay nagbunyag na ang M31 ay naglalaman ng isang trilyong mga bituin (1012).[1][5][6] Mas marami ito kaysa sa bilang ng mga bituin na nasa loob ng galaksiya ng tao, na tinatayang nasa humigit-kumulang sa 200-400 mga bilyon.[7]

Ang Andromeda ay tinatayang mayroong 7.1×1011 mga masang solar.[8] Bilang paghahambing, tinaya ng isang pag-aaral noong 2009 na ang Daang Magatas at ang Andromeda ay mayroong halos magkapantay na masa,[9] samantalang isang pag-aaral noong 2006 ang nagbigay ng masa ng Daang Magatas na nasa ~80% ng masa ng Andromeda.

Ang Galaksiyang Andromeda, na mayroong winawaring magnitud na 3.4, ay kapuna-puna sa pagiging isa sa pinakamaliwanag na mga bagay na Messier,[10] na nakagagawang natatanaw ito ng mga mata lamang tuwing mga gabing walang paglitaw ng Buwan, kapag tinitingnan magmula sa mga pook na bahagya lamang ang polusyon ng liwanag. Bagaman lumilitaw ito nang mahigit sa 6 na mga ulit na may kaluwangang katulad ng Buwang buo kapag kinunan ng litrato sa pamamagitan ng isang mas malaking teleskopyo, tanging ang mas maliwanag na rehiyong panggitna lamang ang mapapagmasdan ng mga matang hindi tinutulungan ng mga aparatong pansilip. Dahil sa kapwa ito malaki at maliwanag, ito ang isa sa pinakamalayong mga bagay na makikita na hindi gumagamit ng mga teleskopyo o ng mga largabista.[11]

Sumusulong ang Galaksiyang Andromeda na palapit sa Daang Magatas sa tulin na tinatayang nasa mula 100 hanggang sa 140 mga kilometo bawat segundo (mula 62 hanggang 87 mi/s),[12] kung kaya't ito ang isa sa iilan lamang na mga galaksiyang bughaw ang paglipat. Sa gayon, ang Galaksiyang Andromeda at ang Daang Magatas ay inaasahang magbabanggaan marahil sa loob ng 4.5 bilyong mga taon.[13] Isang malamang na resulta ng pagbabanggaang ito ay ang pagsasanib ng mga galaksiyang ito upang makabuo ng isang dambuhalang galaksiyang eliptikal ang hugis..[1][14] Ang ganitong mga kaganapan ay madalas sa piling ng mga galaksiyang nasa loob ng kapangkatan ng mga galaksiya.

Kasaysayan ng pagmamasid

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang tao na nagtala ng pagkakita sa Galaksiyang Andromeda ay ang Persa (Persian) na astronomo na si Al Sufi. Tinawag niya ang galaksiyang ito bilang "isang munting ulap" sa loob ng kaniyang aklat na "Aklat ng Nakapirming mga Bituin" (na nakikilala sa Ingles bilang Book of Fixed Stars), na nalathala noong 964 AD.[15] Ang unang tao na tumingin sa galaksiya sa pamamagitan ng isang teleskopyo ay si Simon Marius noong 1612.[16] Iniligay ni Charles Messier ang galaksiya sa loob ng kaniyang katalogo ng mga bagay na astronomikal, at tinawag niya ito bilang M31 at ibinigay niya ang pagbanggit ng pagkatuklas kay Marius, dahil sa hindi niya nalalaman na nakita na ito ni Al Sufi noong daan-daan taon na ang nakalilipas.[17]

Noong 1751, tinaya ni William Herschel ang layo sa 'Nebula' ng Andromeda bilang hindi hihigit sa 2,000 mga ulit kaysa sa distansiya ng Sirius, o humigit-kumulang sa 17,200 mga taon ng liwanag.[18] Noong dekada ng 1920, pinatunayan ng astronomong si Edwin Hubble na ang Andromeda ay isang galaksiya, at hindi isang ulap ng gas na nasa loob ng Daang Magatas, na dating isinasaisip hinggil sa katangian ng Andromeda.[19]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Cox, Brian; Cohen, Andrew (2011). Wonders of the Universe. HarperCollins. p. 25, 48, 169. ISBN 9780007395828.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ribas, I.; atbp. (2005). "First determination of the distance and fundamental properties of an eclipsing binary in the Andromeda Galaxy". Astrophysical Journal Letters. 635 (1): L37–L40. arXiv:astro-ph/0511045. Bibcode:2005ApJ...635L..37R. doi:10.1086/499161. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author2= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Our neighbor Andromeda". NASA. 2011-02-17. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-06-21. Nakuha noong 2011-07-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Amos, J. (5 Pebrero 2006). "Dark matter comes out of the cold". BBC News. Nakuha noong 2006-05-24.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Young, K. (6 Hunyo 2006). "The Andromeda galaxy hosts a trillion stars". New Scientist. Nakuha noong 2006-06-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Andromeda Galaxy contains over a trillion stars". New Scientist.
  7. Frommert, H.; Kronberg, C. (25 Agosto 2005). "The Milky Way Galaxy". SEDS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-08-11. Nakuha noong 2007-05-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Karachentsev, I.D.; Kashibadze, O.G. (2006). "Masses of the local group and of the M81 group estimated from distortions in the local velocity field". Astrophysics. 49 (1): 3–18. Bibcode:2006Ap.....49....3K. doi:10.1007/s10511-006-0002-6.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Milky Way a swifter pinner, more massive, new measurements show". CfA Press Release No. 2009-03. Harvard-Smithsonian Center for Astrophysics. 5 Enero 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Frommert, H.; Kronberg, C. (22 Agosto 2007). "Messier Object Data, sorted by Apparent Visual Magnitude". SEDS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-07-12. Nakuha noong 2007-08-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Farthest naked eye object". Nakuha noong 2010-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Malik, T. (7 Mayo 2002). "Crash course: simulating the fate of our Milky Way". Space.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-06-06. Nakuha noong 2006-09-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The grand collision". The Sky At Night. 5 Nobyembre 2007.{{cite episode}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Cox, T.J.; Loeb, A. (2008). "The collision between the Milky Way and Andromeda". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 386 (1): 461–474. Bibcode:2008MNRAS.tmp..333C. doi:10.1111/j.1365-2966.2008.13048.x.{{cite journal}}: CS1 maint: bibcode (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Abd-al-Rahman Al Sufi (Disyembre 7, 903 - Mayo 25, 986 A.D.)". SEDS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-06-16. Nakuha noong 2011-07-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Simon Marius (1753-1624)". SEDS. Nakuha noong 2010-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Messier 31 - a fact file". SEDS. Inarkibo mula sa orihinal noong 1999-04-28. Nakuha noong 2010-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Croswell, Ken (2005-11-04). "First direct distance to Andromeda". astronomy.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-17. Nakuha noong 2010-12-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. BBC Science