Pumunta sa nilalaman

Francis Bacon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Francis Bacon
Francis Bacon
Kapanganakan22 Enero 1561
Kamatayan9 Abril 1626
MamamayanKaharian ng Inglatera
TrabahoManananggol, pilosopo

Si Sir Francis Bacon, KC, (22 Enero 1561 – 9 Abril 1626) ay isang Ingles na pilosopo, politiko, at may-akda. Naging kabalyero siya noong 1603. Naging Baron Verulam siya noong 1618, at Biskonde San Albano noong 1621. Dahil wala siyang mga anak, nagwakas ang mga titulo o pamagat na ito sa kanyang kamatayan.

Unang niyang hanapbuhay ang pagiging isang abogado. Naging pinakakilala siya sa pagiging pangunahing tagapag-isip ng mga bagong kaparaanan sa pagtingin sa daigdig. Dahil sa kanyang mga sulatin, nagsimula at naging bantog ang isang paraan ng pag-iisip ukol sa agham, na kilala sa kasalukuyan bilang metodong Baconiano. Nakabatay ang pamamaraang ito sa pagtanaw sa mundo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga eksperimento. Pagkaraan ng pagpanood o pagtingin sa mga kinalabasan, nagkakaroon ang mga siyentipiko ng isang ideya upang maipaliwanag ang kung ano ang naganap. Ang ideyang ito o hipotesis ay mas ginagawan pa ng karagdagang mga pagsusubok. Tinatawag ang ganitong paraan ng pag-iisip hinggil sa siyensiya bilang metodolohiyang induktibo. Noong kapanahunan ni Bacon, kaugnay ang mga metodong ito sa salamangka, pati na ang hermetisismo at alkemiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]


BiyolohiyaTalambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.