Elektrikong motor
Ang elektrikong motor ay isang makinang elektrikal na nagpapalit ng enerhiyang elektrikal sa enerhiyang mekanikal. Ang kabaligtaran nito ay ang pagpalit ng enerhiyang mekanikal sa enerhiyang elektrikal at ang nagsasagawa naman nito ay isang elektrikong henerador.
Sa karaniwang pagpapatakbo, ang mga elektrikong motor ay gumagana dahil sa interaksyon ng magnetikong field ng elektrikong motor at gayong kuryente upang gumawa ng puwersa mula sa motor. Sa iilang aplikasyon, tulad ng sa industriyang pantransportasyon na gumagamit ng motor sa traction, ang elektrikong motor ay gumagana na parehong motor at (henerador o preno) upang makapagpalit rin ng enerhiyang mekanikal sa enerhiyang elektrikal.
Makikita sa iba't ibang aplikasyon tulad ng pamaypay na pang-industriya, mga tagahihip at bomba, mga kasangkapang pangmakina at pambahay, power tools at mga disk drive, ang mga elektrikong motor ay maaaring paganahin ng mga pinagmumulan ng direct current (DC), tulad ng mga baterya, behikulong de motor o rectifier, o hindi kaya'y mga pinagmumulan ng alternating current (AC), tulad ng sa power grid, mga inverter at henerador. May makikita ring motor sa loob ng elektrikong orasan. Ang mga motor na may pangkalahatang gamit na mahigpit na ipinatutupad ang tamang pamantayan sa dimensyon at katangian ay nagbibigay ng madaling mapagkukunan ng lakas na mekanikal para sa kagamitang pang-industriya. Ang pinakamalalaking elektrikong motor ay ginagamit sa pagpapatakbo ng barko, pagpapaliit ng tubo at mga aplikasyon ng de bombang imbakan na umaabot sa lakas na 100 megawatts. Ang mga elektrikong motor ay maaaring uriin ayon sa pinagmumulan ng elektrikong lakas, pagkakayari ng looban, aplikasyon, pagkilos at iba pa.