Pumunta sa nilalaman

Calculus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang calculus (Latin, calculus, may literal na kahulugang "isang maliit na bato na ginagamit sa pagbilang") ay isang sangay ng matematika na pag-aaral ng mga hangganan (limits), deribatibo (derivatives), integral (integrals) at seryeng walang hangganan (infinite series). Ito ay bumubuo ng isang pangunahing bahagi ng makabagong edukasyong pampamantasan. Ang dalawang pangunahing sangay nito ang Diperensiyal na calculus at Integral na calculus, na may kaugnayan sa pundamental na teorama ng calculus. Ang calculus ay pag-aaral ng pagbabago, kung paanong ang heometriya ay pag-aaral ng mga hugis at ang alhebra ay pag-aaral ng ekwasyon. Ang calculus ay isang daan sa iba pang mas mataas na kurso sa matematika na nakatuon sa pag-aaral ng mga punsiyon at hangganan na tinatawag na matematikal na analisis. Malawak na nailalapat ang calculus sa agham, ekonomika at inhinyeriya at maaaring lumutas ng mga suliranin na hindi nakasasapat ang alhebra lamang. Ang calculus sa kasaysayan ay tinatawag na "ang calculus ng mga inpinitesimal" o "inpinitesiamal na calculus". Sa lalong pangkalahatan, ito ay tumutukoy sa ano mang paraan o sistema na ginagabayan ng simbolikong manipulasyon ng mga ekspresyon. Ang ilang mga halimbawa ng mga ibang mahusay na kilalang calculus ang calculus proposisyonal, calculus bariasyonal, calculus lambda, calculus pi at calculus join.

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.