Blue Screen of Death
Ang Blue Screen of Death (BSoD) (salin: Bughaw na Tabing ng Kamatayan) ay isang tabing o screen na ipinapakita ng Windows operating system ng Microsoft kapag hindi na ito (o nasa panganib na hindi makayang) makaahon sa isang kamalian ng sistema (system error). May dalawang uri ng mga tabing kamalian (error screen) ang Windows na kapwang tumutukoy sa blue screen of death, na mas malubha ang una kaysa sa ikalawa.
Nasa lahat ng uri ng Windows operating system ang blue screen of death sa iba't ibang anyo simula pa noong Windows 3.1 na bersiyon. May kaugnayan ito sa black screen of death ng OS/2. Sinasabing mayroong namang red screen of death ang Vista, na ginagamit para sa mga kamalian sa instalasyon (installation errors).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Windows ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.