Batas militar sa ilalim ni Ferdinand Marcos
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos sa telebisyon noong Setyembre 21, 1972 sa ganap na 7:15 ng gabi na isinasailalim niya ang buong Pilipinas sa batas militar.[1][2] Dito nagsimula ang nag-iisang pamumuno ni Marcos na tumagal ng 14 na taon hanggang sa mapatalsik siya sa bansa noong Pebrero 25, 1986.[3][4] Kahit pa ang pormal na dokumento na nagdedeklara ng batas militar – ang Proklamasyon Blg. 1081 na may petsang Setyembre 21, 1972 – ay pormal na tinanggal noong Enero 17, 1981, pinanatili ni Marcos ang buong kapangyarihan bilang diktador hanggang sa pinatalsik siya.[5][6]
Habang ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan nagsimulang mamuno si Marcos ng mas maaga sa pitong taon, nang una siyang pinasinayang Pangulo ng Pilipinas noong huling bahagi ng 1965, partikular na tumatalakay ng artikulong ito ang panahon kung saan nagkaroon siya ng kapangyarihang diktatoryal sa ilalim ng batas militar at sa panahon kung saan patuloy niyang hawak ang mga kapangyarihang ito sa kabila ng teknikal na pagpawi ng deklarasyon ng batas militar noong 1981.
Nang ideklara niya ang batas militar noong 1972, iginiit ni Marcos na ginawa niya ito bilang tugon sa "pagbabanta ng mga Komunista" na dulot ng bagong tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (Communist Party of the Philippines o CPP) at pag-aalsang sektaryo ng Mindanao Independence Movement (MIM; literal: Kilusan para Kalayaan ng Mindanao). Pinaratang ng mga opisyal ng oposisyon noong panahong iyon, tulad nina Lorenzo Tañada, Jose W. Diokno, at Jovito Salonga, si Marcos na pinapalaki (exaggerating) ang banta at ginagamit ang mga ito bilang maluwag na dahilan upang patatagin ang kapangyarihan at palawigin ang kanyang termino na lagpas sa dalawang terminong pagkapangulo na pinapayagan sa konstitusyon ng 1935.
Matapos mapatalsik si Marcos, natuklasan ng mga imbestigador ng gobyerno na nabigay-daan din ang pagpapataw ng batas militar kay Marcos na itago ang mga lihim na hindi maipaliwanag na mga kayamanan, na ibinunyag sa kalaunan ng iba't ibang korte na may "kriminal na pinagmulan."
Naalala ang 14 na taong yugto na ito sa kasaysayan ng Pilipinas sa pang-aabuso sa karapatang pantao ng pamahalaan, partikular na tinatarget ang mga kalaban sa pulitika, mga aktibistang mag-aaral, mga mamamahayag, mga manggagawang relihiyoso, mga magsasaka, at iba pang lumalaban sa diktaduryang Marcos. Batay sa mga dokumento mula sa Amnesty International (Amnestiyang Internasyunal), Task Force Detainees of the Philippines (Puwersang Tagakilos na mga Nakakulong sa Pilipinas), at mga katulad na mga entidad na nagbabantay ng karapatang pantao, naniniwala ang mga dalubhasa sa kasaysayan na namarkahan ang diktaduryang Marcos ng 3,257 kilalang kaso ng ekstrahudisyal na pagpatay, 35,000 dokumentadong kaso ng pagpapahirap, 77 'nawawala' (o desaparecidos) at 70,000 pagkakabilanggo.[7][8]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Declaration of Martial Law". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-07-08.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ocampo, Ambeth (2021). Looking Back 15: Martial Law (sa wikang Ingles). Lungsod ng Mandaluyong: Anvil Publishing, Inc. ISBN 978-971-27-3637-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tadem, Eduardo Climaco (2015-07-03). "Technocracy and the Peasantry: Martial Law Development Paradigms and Philippine Agrarian Reform". Journal of Contemporary Asia. 45 (3): 394–418. doi:10.1080/00472336.2014.983538. ISSN 0047-2336. S2CID 154354138.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tolosa, Benjamin (2011-01-01). "Publication -- Filipino Social Democracy: Origins and Characteristics, Lessons and Challenges". Political Science Department Faculty Publications. Nakuha noong 2020-08-31.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Francisco, Katerina (Setyembre 22, 2016). "Martial Law, the dark chapter in Philippine history". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-23. Nakuha noong Hunyo 29, 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Fall of the Dictatorship". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-05-17. Nakuha noong 2021-09-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Deklarasyon ng Batas Militar | GOVPH". Official Gazette of the Republic of the Philippines (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-11. Nakuha noong 2022-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Martial Law Museum". Martial Law Museum (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-05-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)