Atra-Hasis
Si Atra-Hasis ("labis na matalino") ang protaganista at kapangalan ng ika-18 siglo BCE epikong Akkadian. Ang "Atra-Hasis" ay lumitaw sa isa sa mga talaan ng mga haring Sumeryo bilang hari ng Shuruppak sa mga panahon bago ng malaking baha. Ang mga tabletang Atra-Hasis ay kinabibilangan ng parehong mito ng paglikha at malaking baha na isa sa tatlong nagpatuloy na mga kuwentong malaking Baha ng Babylonia. Ang pinakamatadang kopya ng tradisyong epiko ukol kay Atraharsis[1] ay pinetsahan ng colophon (pagtukoy ng skriba) sa paghahari ng apo sa tuhod ni Hammurabi na si Ammi-Saduqa (1646–1626 BCE) ngunit ang iba't ibang mga Lumang Babylonian na mga pragmento ay umiral. Ito ay nagpatuloy na kinopya sa unang milenyo BCE. Ang kuwentong Atrahasis ay umiiral rin sa isang kalaunang bersiyong pragmentaryong Assyrian na unang natuklasan sa aklatan ni Ashurbanipal ngunit dahil sa kondisyong pragmentaryo ng mga tableta at malabong mga salita, ang mga salin ay hindi matiyak. Ang mga pragmentong ito ay tinipon at isinalin ni George Smith bilang The Chaldean Account of Genesis; ang pangalan ng bayani nito ay itinama sa Atra-Hasis ni Heinrich Zimmern noong 1899.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Tabletang I ay naglalaman ng mito ng paglikha tungkol sa mga diyos na Sumerian na sina Anu, Enlil, atEnki na mga diyos ng kalawakan, hangin at tubig "nang ang mga diyos ay nasa mga paraan ng tao" ayon sa incipit nito. Kasunod ng Cleromancy (palabunutan), ang kalawakan ay pinamunuan ni Anu, ang mundo ni Enlil at ang sariwang tubig ni Enki. Si Enlil ay nagtakda ng mas batang mga diyos[2] upang gumawa ng trabahong pagsasaka at magpanatili ng mga ilog at kanal, ngunit pagkatapos ng apatnapung taon, ang mga mas mahinang diyos o dingirs ay nagrebelde at tumangging gumawa ng mahirap na trabaho. Imbis na parusahan ang mga rebelde, si Enki na mabuti at matalinong tagapayo ng mga diyos ay nagmungkahing ang mga tao ay likhain upang gumawa ng trabaho. Ang diyosang (goddess) si Mami ay tinakdaan ng tungkulin ng paglikha ng mga tao sa pamamagitan ng paghuhugis ng pigurinang putik na hinaluan ng laman at dugo ng pinaslang na diyos na si Geshtu-E, “na diyos na may katalinuhan” (ang kanyang pangalan ay nangangahulugang "tenga" o "katalinuhan")[3] Ang lahat ng mga diyos ay dumura sa putik. Pagkatapos ng sampung buwan, ang isang espesyal na ginawang sinapupunan (womb) ay nabuksan at ang mga tao ay ipinanganak. Ang Tabletang I ay nagpapatuloy sa mga alamat ng oberpopulasyon at mga salot. Si Atrahasis ay binanggit sa huli ng Tabletang I.
Ang Tabletang II ay nagsisimula sa mas maraming oberpopulasyon ng mga tao at ang diyos na si Enlil na nagpadala ng unang taggutom at tagtuyot sa mga pagitang pormulaiko na 1200 years upang bawasan ang populasyon. Sa epikong ito, si Enlil ay inilalarawan na isang masamang kaprisyosong diyos samantalang si Enki ay inilalarawan bilang isang mabuting matulunging diyos marahil dahil ang mga saserdote (priests) ni Enki ang nagsusulat at kumukopya ng kuwento. Ang Tabletang II ay karamihan napinsala, ngunit nagwawakas sa pasya ni Enlil na wasakin ang sangkatauhan ng isang malaking baha at si Enki ay nakatali sa isang sumpa na panatilihin ang plano na sikreto.
Ang Tabletang III ng epikong Atrahasis ay naglalaman ng mitong baha. Ito ang bahagi na inangkop sa Epiko ni Gilgamesh na tabletang XI. Ang Tabletang III ng Atrahasis ay nagsasaad kung paanong ang diyos na si Enki ay nagbabala sa bayaning si Atrahasis ng Shuruppak na nagsasalita sa pamamagitan ng pader na reed (na nagmumungkahi ng isang orakulo) upang kalasin ang kanyang bahay (marahil upang magbigay ng lugar ng pagtatayuan) at gumawa ng isang bangka upang makaligtas sa bahang pinlano ng diyos na si Enlil upang wasakin ang sangkatauhan. Ang bangka ay sinasabing may bubong "tulad ng Apsu" (na isang nasa ilalim ng lupa, sakop na sariwang tubig na pinangangasiwaan ng diyos na si Enki), itaas at ibabang mga tungtunguan at seselyohan ng bitumen. Si Atrahasis ay sumakay sa bangka kasama ng kanyang pamilya at mga hayop at sinarhan ang pinto. Ang bagyo at baha ay nagsimula. Kahit ang mga diyos ay natatakot. Pagkatapos ng pitong araw, ang baha ay tumnigil at si Atrahasis ay naghandog sa mga diyos. Si Enlil ay nagalit kay Enki sa paglabag ng kanyang sumpa. Ngunit itinanggi ni Enki na nilabag niya ang kanyang sumpa at nangatwiran: "Siniguro kong ang buhay ay naingatan". Si Enki at Enli ay umayon sa mga ibang paraan ng pagkokontrol sa populasyon ng sangkatauhan.
Atra-Hasis sa kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Epiko ni Gilgamesh, si Atra-Hasis ang anak ni Ubara-Tutu na hari ng Shuruppak.[4] Ang mga instruksiyon ni Shuruppak ay tumawag kay Atra-Hasis sa ilalim ng pangalang Ziusudra bilang anak ng eponimosong Shuruppak na anak ni Ubara-Tutu.[5] Maraming mga tabletang bumubuo ng talaan ng mga haring Sumeryo ay sumusuporta sa Epiko ni Gilgamesh sa pagtanggal kay Shuruppak bilang pinuno ng Shuruppak. Ang mga talaang ito ay nagpahahawatig ng isang agarang baha pagkatapos o noong pamumuno ni Ubara-Tutu. Ang mga talaang ito ay hindi nagbabanggit kay Atra-Hasis sa ilalim ng anumang pangalan.[6] Gayunpaman ang talaan ng mga haring Sumeryo na WB-62 ay nagtatala ng isang ibang kronolohiya kung saan si Atra-Hasis ay itinala bilang isang piuno ng Shuruppak at saserdoteng gudug na nauna sa kanyang amang si Shuruppak na inunahan naman ng ama nitong si Ubara-Tutu.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ The variant tellings are not direct translations of a single original.
- ↑ The Akkadian determinative dingir, which is usually translated as “god” or “goddess” can also mean “priest” or “priestess” (Margaret Whitney Green, Eridu in Sumerian Literature, PhD dissertation, University of Chicago [1975], p. 224) although there are other Akkadian words (e.g. ēnu and ēntu) that are also translated priest and priestess. The noun “divine” would preserve the ambiguity in dingir.
- ↑ On some tablets the under-god Weila or Aw-ilu, was slain for this purpose.
- ↑ http://www.ancienttexts.org/library/mesopotamian/gilgamesh/tab11.htm
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-28. Nakuha noong 2013-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-07-16. Nakuha noong 2013-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)