Pumunta sa nilalaman

Apoptosis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang apoptosis ay isang proseso ng nakaprogramang kamatayan ng sihay(programmed cell death o PCD) na maaaring mangyari sa mga organismong multiselular. Ang mga pangyayaring biokemikal ay humahantong sa mga karakteristikong pagbabago sa sihay(morpolohiya) at kamatayan. Ang ang mga pagbabagong ito ay kinabibilangan ng blebbing, pagliit ng sihay, nukleyar na pragramentasyon, kondensasyon ng kulayin (kromatin) at kromosomal na pragmentasyon ng DNA. Hindi tulad ng necrosis, ang apoptosis ay lumilikha ng mga pragmento ng sihay na tinatawag na mga apototikong katawan na kayang lamunin at mabilis na alisin ng selulang phagocytic ang mga nilalaman ng isang sihay ay kumalat sa mga nakapaligid na sihay at magsanhi ng pinsala.