Angels & Demons
Ang Angels & Demons ay likha ng Amerikanong manunulat na si Dan Brown. Siya ang pamoso sa paglikha ng mga nobelang misteryo tulad ng The Da Vinci Code, Digital Fortress, at marami pang iba. Ginawa ring pelikula ang Angels and Demons na pinagbidahan ni Tom Hanks, na siya ring gumanap na Robert Langdon sa Da Vinci Code na pelikula.
Ang nobelang ito ay umiikot sa kathang-isip na katauhan ni Robert Langdon, para bigyang kahulugan ang misteryong hatid ng isang sekretong organisasyon - ang Illuminati, at ang napipintong pagsabog ng Lungsod ng Vatican na gamit ang isang antimaterya. Ang istorya ay tungkol sa alitan sa pagitan ng agham at relihiyon na naging dahilan sa pagkabuo ng mga Illuminati, at, pagkatapos ng ilang daang taong hindi ito lumalabas, ang grupo ay pinaniniwalaang lalabas muli para guluhin ang Simbahan ng Romano Katoliko.
Ito ay nalimbag noong 2000, at pinakikila ang pambihirang katauhan ni Robert Langdon, na siyang pinakaimportanteng karakter sa misteryong nobela binuo rin ni Dan Brown, ang Da Vinci Code. Ito rin ang nagbibigay kahulugan sa iba't ibang elemento bahagi ng istorya, tulad ng pagsasabuwatan ng mge sekretong organisasyon, at ang Simbahan ng Romano Katoliko. Sinaunang kasaysayan, arkitektura, and mga makahulugang simbulo ay binigyang buhay sa kabuuan ng nobela.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.