Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon
Buod ng Ahensya | |
---|---|
Pagkabuo | Mayo 18, 1994 |
Kapamahalaan | Pilipinas |
Punong himpilan | Gusaling HEDC, Abenida C.P. Garcia, Diliman, Lungsod Quezon |
Taunang badyet | ₱49.43 bilyon (2018)[1] |
Mga tagapagpaganap ng ahensiya |
|
Pinagmulan na ahensiya | Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas |
Websayt | ched.gov.ph |
Ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon, na tinatawag ding Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon[2] (Ingles: Commission on Higher Education), dinaglat bilang CHED, ay isang ahensiya ng pamahalaang kaugnay sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas para sa mga layuning pampangasiwaan. Sumasaklaw ito ng kapuwang pampubliko at pampribadong mga institusyon ng mas mataas na edukasyon gayon din ng mga kursong inaalok sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon ng mas-mataas na edukasyon sa bansa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang CHED noong Mayo 18, 1994 sa bisa ng Batas Republika Blg. 7722 o ang Higher Education Act of 1994 na ipinatnugot ni Senador Francisco Tatad.[3]
Ang paglikha ng CHED ay bahagi ng isang malawak na adyenda para sa mga pagbabago sa sistemang edukasyon ng bansa, na ibinalagkas ng Congressional Commission on Education (EDCOM) noong 1992. Bahagi ng mga pagbabago ay ang trifocalization ng sektor ng edukasyon. Ang tatlong mga lupong tagapamahala sa sektor ng edukasyon ay ang Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) para sa edukasyong tersiyaryo at gradwado, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) para sa saligang edukasyon, at ang Pangasiwaan sa Edukasyong Teknikal at Pagpapaunlad ng Kasanayan (TESDA) para sa teknikal-bokasyonal at gitnang antas na edukasyon.
Tagapangulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tagapangulo ng CHED ay siya ring Tagapangulo ng Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas.
Tagapangulo | Petsa ng pagkakatalaga | Komento |
---|---|---|
Carlito Puno | 2005 | |
Romulo Neri | 2007 | Si Neri ay Direktor Heneral ng Pambansang Pangasiwaan sa Kabuhayan at Pagpapaunlad (NEDA) at Kalihim ng Sosyo-ekonomiko. Dati rin siyang Kalim ng Pagbabadyet. Noong Hulyo 9, 2008, itinalaga ni Arroyo si Neri bilang pinuno ng SSS, kaya naging bakante ang posisyon.[4] Pansamantalang naging tagapangulo si Nona Ricaforte. |
Emmanuel "Manny" Angeles | Agosto 20, 2008 | Si Angeles ay dating kansilyer ng Angeles University Foundation at pangulo ng Clark Development Corporation.[5][6] Itinalaga ring komisyoner ng CHED si William Medrano noong Agosto 29, 2008.[7] |
Patricia Licuanan | 2014[8] | Siya ang itinalaga ni dating Pangulo Benigno Aquino III bilang tagapangulo. |
Prospero De Vera III | Oktubre 2018 | Pagkabitiw ni Licuanan noong Enero 2018, itinalagang OIC (nanunungkulang pinuno/opisyal) si Komisyoner Prospero De Vera III. Kasunod ng siyam na buwan, itinalaga si De Vera bilang tagapangulo. [9] |
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/GAA/GAA2018/VolumeI/OEO/D.pdf
- ↑ Kapuwa maaari para sa pangalang Tagalog o Filipino ng ahensiya: "Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon" o "Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon" Sanggunian: "Patnubay sa Korespondensiya Opisyal, Ikaapat na Edisyon" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino. 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Republic Act No. 7722 - An Act Creating the Commission on Higher Education appropriating funds therefor and for other purposes". Chan Robles Virtual Law Library. Mayo 18, 1994.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Palace accepts dela Paz resignation, names Neri to SSS[patay na link] abs-cbnnews.com
- ↑ Palace appoints new CHED chairman gmanews.tv/story
- ↑ Arroyo appoints new CHED chair[patay na link] abs-cbnnews.com
- ↑ Arroyo appoints more 2007 poll losers to gov’t posts gmanews.tv/story
- ↑ "CHED chair Patricia Licuanan resigns". Rappler. 15 Enero 2018. Nakuha noong 18 Agosto 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Duterte appoints De Vera as CHED chairman". Rappler. 15 Oktubre 2018.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)