Pumunta sa nilalaman

Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bangko sa Pagpapaunlad sa Asya)
Ang logo ng ADB

Ang Bangko sa Pagpapaunlad ng Asya (ADB) (Inggles: Asian Development Bank) ay isang panrehiyong bangko sa pagpapaunlad na itinatag noong 1966 upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya at panlipunan ng mga bansa sa Asya at Pasipiko sa pamamagitan ng mga pautang at ayudang teknikal. Ito ay isang institusyong pampananalapi ng kaunlarang multilateral na pag-aari ng 67 kasapi, 48 ay nagmumula sa rehiyon at 19 naman na nagmumula sa ibang bahagi ng daigdig. Ang pananaw ng ADB ay pagkakaroon ng isang rehiyong malaya sa kahirapan. Ang kanyang misyon ay tulungan ng kanyang bansang-kasapi na umuunlad na sa pagbabawas ng kahirapan at paunlarin ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan. Ang gawain ng ADB ay tumututok sa pagpapaunlad ng kagalingan ng mga tao sa Asya at Pasipiko, lalung-lalo na ang 1.9 na daplot na bumubuhay sa higit na mababa sa $2 sa isang araw.

Isinasaisip ng bangko ang pananaw ng paglikha ng institusyong pananalapi na tinuturing "Asyano sa katauhan" upang alagaan ang paglago at pakikiisa sa rehiyon na bumabalik-tanaw na dating isa sa mga pinakamahirap sa daigidig. Pinapalaki ng ADB ang pondo sa pamamagitan ng sipi ng kasunduan sa mga pamilihang yaman ng daigdig, habang gumagamit din ng mga ambag ng mga kasapi at mga impok mula sa pautang. Ang mga pinanggagalingan ay itinuos sa loob nang halos tatlong kuwarter ng kanyang operasyon sa pagpapautang.

Bagama't ang kamakailang paglago ng ekonomiya ng mga bansang-kasapi na marami ay nakapagtugpa sa pagbabago sa hagkis ng ibang antas, na sa kabuuan, karamihan ng kanyang kasaysayan ng bangko ay nakapagsagawa sa isang batayang pamproyekto, na tumutukoy sa mga saklaw ng pamumuhunang pang-imprastraktura, kaunlarang pansakahan at mga pautang sa pangunahing industriya sa mga bansang-kasapi. Bagama't sa kahulugan pa lamang na ang bangko ay isang tagapag-utang lamang sa mga pamahalaan at mga entidad na pampamahalaan, ito'y nagbibigay rin ng ayuda sa mga pansariling negosyo (private enterprises) at lumalahok din bilang tagapagpalaki ng paglilikida at nagbibigay ng pahintulot sa mga pribadong sektor ng panrehiyong bansang-kasapi.

Ang taunang proyekto sa pagpapautang ng ADB ay humahalaga ng EU$7 daplot bawat taon na may pautang panghalimbawa bawat proyekto na nasa lagom ng $100 angaw.

Ang himpilan ng ADB sa Lungsod Mandaluyong, Pilipinas

Ang pinakamataas na katawan sa paggawa ng patakaran ay ang Lupon ng mga Tagapangasiwa (Board of Governors) na binubuo ng mga kinatawan mula sa bawat bansang-kasapi. Ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ay naghahalal kabilang sa mga labindalawang kasapi ng Lupon ng mga Tagapangasiwa at ang kanilang katulong (deputy). Walo sa mga labindalawang kasapi ay nagmumula sa panrehiyong (Asya-Pasipiko) kasapi samantala ang mga iba ay nagmumula sa mga di-panrehiyong kasapi.

Ang Lupon ng mga Tagapangasiwa ay naghahalal din ng Pangulo ng bangko na gumaganap bilang tagapangulo ng Lupon ng mga Tagapangasiwa at tagapamahala ng ADB. Ang pangulo ay may takdang panahon sa panunungkulan sa loob ng limang taon, at maaaring ihalal muli.

Ang himpilan ng bangko ay nasa Blg. 6 Daang ADB, Lungsod Mandaluyong, Kalakhang Maynila, Pilipinas, at mayroon siyang pangkinatawang tanggapan sa panig ng daigdig. Ang bilang ng mga manggagawa sa bangko ay humigit-kumulang 2,400, na nagmumula sa 55 ng 67 bansang-kasapi, at ang mahigit sa kalahati ng kabuuan ng bilang ng mga manggagawa ay mga Pilipino.

Ang taon pagkatapos ng pangalan ay nagpapahiwatig ng pagpasok sa organisasyon (ang mga pangalan ng bansa na nakatala sa ibaba ay kinikilala ng bangko.)

Rehiyon ng Asya-Pasipiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Afghanistan Apganistan (1966)
Australia Australya (1966)
New Zealand Bagong Selanda (1966)
Hapon Hapon (1966)
India Indiya (1966)
Indonesia Indonesya (1966)
Cambodia Cambodia (1966)
Laos Laos (1966)
Malaysia Malaysiya (1966)
Nepal Nepal (1966)
Pakistan Pakistan (1966)
Pilipinas Pilipinas (1966)
Samoa Samoa (1966)
Singapore Singgapur (1966)
Sri Lanka Sri Lanka (1966)
Thailand Tayilandiya (1966)
Timog Korea Timog Korea (1966)
Taiwan Republika ng Tsina[1] (1966)
Vietnam Biyetnam (1966)
Hong Kong Hong Kong, Tsina[2] (1969)
Fiji Pidyi (1970)
Papua New Guinea Papuwa Bagong Guinea (1971)
Tonga Tonga (1972)
Bangladesh Bangladesh (1973)
Solomon Islands Kapuluang Solomon (1973)
Myanmar Myanmar (1973)
Kiribati Kiribati (1974)
Cook Islands Kapuluang Cook (1976)
Maldives Maldibas (1978)
Vanuatu Banuatu (1981)
Bhutan Butan (1982)
Republikang Bayan ng Tsina Tsina, Republikang Popular ng (1986)
Marshall Islands Kapuluang Marsiyal (1990)
Federated States of Micronesia Mikronesya, Mga Estadong Pederal ng (1990)
Mongolia Monggolya (1991)
Nauru Nauru (1991)
Tuvalu Tuvalu (1993)
Kazakhstan Kasakstan (1994)
Kyrgyzstan Kirgistan (1994)
Uzbekistan Usbekistan (1995)
Tajikistan Tadyikistan (1998)
Azerbaijan Aserbayhan (1999)
Turkmenistan Turkmenistan (2000)
East Timor Silangang Timor (2002)
Palau Palaw (2003)
Armenya Armenya (2005)
Brunei Brunei Darussalam (2006)
Heorhiya Georgya (2007)

Mga ibang rehiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Alemanya Alemanya[3] (1966)
Austria Awstrya (1966)
Belhika Belhika (1966)
Denmark Dinamarka (1966)
Finland Finlandya (1966)
Italya Italya (1966)
Canada Kanada (1966)
Estados Unidos Mga Nagkakaisang Estado (1966)
United Kingdom Mga Nagkakaisang Kaharian (1966)
Norway Norwega (1966)
Netherlands Olanda (1966)
Suwesya Suwesa (1966)
Switzerland Swesya (1967)
Pransiya Pransiya (1970)
Espanya Espanya (1986)
Turkey Turkya (1991)
Portugal Portugal (2002)
Luxembourg Luksemborg (2003)
Republic of Ireland Irlanda (2006)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sumanib bilang "Tsina" na kumakatawan sa buong Tsina mula't sapul naging kasaping nagtatag hanggang 1986 nang sumanib ang Republikang Popular ng Tsina.
  2. Sumanib bilang "Hong Kong"
  3. Kasaping nagtatag; sumanib bilang Kanlurang Alemanya.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]