Pumunta sa nilalaman

William Shakespeare

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
William Shakespeare
Ang Chandos portrait, hindi nakumpirma ang alagad ng sining at pagiging tunay. Mula sa National Portrait Gallery, London.
KapanganakanBininyagan noong 26 Abril 1564 (hindi alam ang araw ng kapanganakan)
Stratford-upon-Avon, Warwickshire, West Midlands, Inglatera
Kamatayan(1616-04-23)23 Abril 1616 (edad 52)
Stratford-upon-Avon, Warwickshire, Inglatera
Trabahomandudula, makata, aktor
PagkamamamayanKaharian ng Inglatera
PanahonRenasimyentong Ingles, Elizabethan Era
(Mga) asawaAnne Hathaway (k. 1582–1616)
(Mga) anak

Lagda

Si William Shakespeare (26 Abril 1564 (bininyagan) – 23 Abril 1616) ay isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bílang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preeminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na “pambansang makata ng Inglatera”, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Ang mga akdang ekstante niya ay kiabibilangan ng mga kolaborasyon, na may mga 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba pang mga berso, na ang iba ay hindi sigurado kung kanino. Ang mga dula niya ay naisalin na sa lahat ng pangunahing buhay na wika at mas tinatanghal ang mga ito kompara sa iba pang mga mandudula.[1]

Si Shakespeare ay sinilang at pinalaki sa Stratford-upon-Avon, Warwickshire. Sa edad na 18, pinakasalan niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak: si Susanna, at ang kambal na sina Hamnet at Judith. Sa isang panahon sa pagitan ng 1585 at 1592, nagkaroon siya ng maunlad na karera bílang isang aktor, manunulat, at part-owner ng isang playing company na Lord Chamberlain's Men, na nang naglaon ay tinawag na King's Men. Nagretiro siya sa Stratford marahil noong 1613, sa edad na 49, kung saan namatay siya tatlong taon ang lumipas. Kaunting mga talâ tungkol sa pribadong búhay ni Shakespeare ang natitirá, dahilan upang magkaroon ng malaking spekulasyon tungkol sa kaniyang mga pisikal na katangian, seksuwalidad, at paniniwalang relihiyoso, at kung ang mga akda na inuugnay sa kaniya ay iba ba ang nagsulat.[2]

Nilikha ni Shakespeare ang karamihan sa kaniyang mga kilalang akda sa pagitan ng 1589 at 1613. Ang mga nauna niyang mga dula ay mga komedya at historya, at ang mga ito ay itinuturing na ilan sa mga pinakamagandang akda sa mga diyanra na ito. Nang tumagal ay nagsulat naman siya ng mga trahedya hanggang mga 1608, kabílang dito ang Hamlet, Othello, King Lear, at Macbeth, na mga tinuturing bílang ilan sa mga piakamahusay na akda sa wikang Ingles. Sa hulí, nagsulat naman siya ng mga trahikomedya, na kilalá rin bílang mga romasa, at nakipagtulungan sa iba pang mga mandudula.

Marami sa kaniyang mga akda ay nilathala sa mga edisyon na may iba-ibang kalidad at katumpakan noong nabubuhay pa siya. Noong 1623, gayupama, sina John Heminges at Henry Condell, dalawang kaibígan at kapwa aktor ni Shakespeare, ang naglathala ng depinitibong teksto na kilalá bílang First Folio, isang postumong kinolektang edisyon ng kaniyang mga akdang dramatiko na kinabibilangan ng lahat ng kinikilala ngayon na akda ni Shakespeare (maliban sa dalawa). Ang paunang salita nitó ay isang tula ni Ben Jonson, kung saan si Shakespeare ay tinawag na, presciently, bílang "hindi para sa isang panahon kundi para sa lahat ng panahon.". Sa ika-20 at ika-21 na mga dantaon, ang mga akda niya ay pinauli-ulit nang hinalaw at muling tinuklas ng mga bagong kilusan sa skolarsyip at pagganap. Ang mga dula niya ay nananatiling sikát, at patuloy na pinag-aaralan, tinatanghal, at muling binibigyang-kahulugan ng iba't ibang kultural at politikal na konteksto sa buong mundo.

Ngayong 2016, ang ika-400 na anibersaryo ng kamatayan ni Shakespeare, magkakaroon ng mga pagdiriwang sa Nagkakaisang Kaharian at sa buong mundo upang bigyan ng karangalan si Shakespeare at ang kaniyang nagawa.[3]

Ipinanganak si William Shakespeare sa Stratford-upon-Avon, Inglatera, noong Abril 1564, ang anak nila John Shakespeare at Mary Arden. Mayaman ang ama ni Shakespeare ng siya ay ipinanganak, ngunit nawala ang kahalagahan nito ng ibenta ang wool laban sa batas.

Naging asawa ni Shakespeare si Anne Hathaway, na mas matanda sa kanya ng walong taon, noong 28 Nobyembre 1582 sa Temple Grafton, malapit sa Stratford. Tatlong buwang buntis noon si Anne. Noong 26 Mayo 1583, isinilang ang unang anak ni Shakespeare na si Susanna, at bininyagan sa Stratford. Sumunod ang kambal na anak nito na sina Hamnet, at Judith, ay bininyagan noong 2 Pebrero 1585. Namatay si Hamnet noong 1596 at inilibing noong Agosto 11.

Kasaysayan ng mga Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Craig 2003, 3.
  2. Shapiro 2005, xvii–xviii; Schoenbaum 1991, 41, 66, 397–98, 402, 409; Taylor 1990, 145, 210–23, 261–5
  3. Kennedy, Maeve (1 Enero 2016). "Shakespeare's 400th anniversary: 'man of Stratford' to be celebrated in 2016". The Guardian. Nakuha noong 13 Enero 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)