Turismong seksuwal
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Turismong Seksuwal ay ang paglalakbay upang makipagtalik sa patutot.
Ang Pandaigdigang Organisasyon sa Turismo (World Tourism Organization), isang organisasyong spesyal ng mga Nagkakaisang Bansa, binigay na kahulugan sa turismong seksuwal "mga paglakbay na organisado sa loob ng sektor ng turismo, o galing sa labas ng sektor pero ginagamit ang mga istruktura at network nito, na ang pangunahing layunin na magkaroon ng pangkalakalan (commercial) na ugnayang seksuwal ng mga turista sa mga mamamayan sa paroroonan."
Ang turismong seksuwal ay maari tumukoy sa mga uri ng pangkalakalan (commercial) na gawaing seksuwal, ahensiya at akademiko minsan eto ay naibubukod sa pagitan ng turismong seksuwal sa mga kabataan at turismong seksuwal para sa kababaihan na nagsasabi sa iba't ibang klase ng mga turismong seksuwal. Ang mga atraksiyon para sa mga sekswal na turista ay maaring mababang bayarin sa mga serbisyo sa paroroonang bansa, kasama ang kahit alin sa legal na prostitusyon, pagwawalang bahala ng mga tagapagpatupad ng batas at akses sa prostitusyon sa mga bata.
Pangkalahatan
Karaniwan, ang isang tao ay kayang maglakbay at gumawa ng isang seksuwal na aktibidad sa isang patutot, makikumpara rin ito sa lokal na prostitusyon. Subalit, kapag ang aktibidad na seksuwal ay nasasangkot ang prostitusyon ng mga bata, sapilitan o nasasangkot sa seksuwal na trafficking, ito ay karaniwang illegal, parehas sa kasamang bansa at minsan ang bansang kinagisnan ng isang indibidwal.
Kasama sa seksuwal na turismo ang lokal na turismong seksuwal, na paglalakbay sa loob ng bansa, o internasyonal na seksuwal na turismo, na paglalakbay sa labas ng bansa. Ito ay isang multimilyon dolyar na industriya na sumusuporta sa mga internasyonal na manggagawa na tinatayang umaabot sa milyon na katao. Sinasabi ng ibang tao na ang seksuwal na turismo ay nakakatulong hindi lamang sa industriya ng seksuwal kasama na rin ang mga industriya ng airline, taxi, restawran at otel. Ang mga organisasyon ng mga karapatang pantao ay may banta na ang sekswal na turismo ay may contribusyon sa human trafficking at prostitusyon sa mga bata.
Destinasyon
Maraming bansa ang madalas na puntahan ng mga turistang seksuwal. Kasama rito ang Brazil, Costa Rica, Cuba, Republikang Dominikano, Kenya, Netherlands, Pilipinas at Thailand.
Pambabaeng Seksuwal na Turismo
Mayroon rin na seksuwal na turismo para sa babae. Ang mga paunahing lugar na pinupuntahan ng mga pambabaeng seksuwal na turismo ay sa Katimugang Europa (Italya, Portugal, Gresya, Croatia, Armenia, Montenegro at Espanya), ang Karibe (ipangungunahan ng Jamaica, Barabados at Republikang Dominikano), ilang parte ng Aprika (Ehipto, Tunisia, Gambia, Kenya) at Asya (Indonesia, Thailand). Kasama rin eto sa madalas puntahan ang Morocco, Fiji, Peru at El Salvador.
Turismong Seksuwal sa mga Kabataan
Ang turismong seksuwal sa mga kabataan (Child Sex Tourism) ay isang uri ng turismo na ang [pangunahin o tanging] layunin ng paglalakbay ay ang pagsali sa mga gawaing prostitusyon ng mga bata. Ito ay isang uri ng pangkalakalan (commercial) na gawaing seksuwal na pinapadali ang pang-aabusong sekswal sa kabataan. Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child, ang kahulugan ng salitang bata ay tumutukoy sa “bawat indibidwal na wala pang 18 taong gulang”. Mula rito, batay sa State Department of the United States, ang turismong seksuwal sa mga kabataan ay nagreresulta sa parehong mental at pisikal na pinsalang konsikwensiyal para sa mga pinagsamantalahan bata. Ang ilan sa mga kabilang na bunga ay sexually transmitted infections o mga impeksyon na nakukuha sa pakikipagtalik kabilang/kagaya ng HIV/AIDS, pagkalulong sa droga, pagbubuntis, malnutrisyon, ostracismo [diskriminasyon o pagtanggi], at kamatayan. Ang turismong seksuwal sa mga kabataan, na bahagi ng multibillion-dollar na pandaigdigang industriya ng turismong sekswal, ay isang uri lamang ng prostitusyon sa kabataan at nakapaloob pa sa mas malawak na isyu ng pangkalakalan (commercial) na ugnayang sekswal sa pagsasamantala sa mga bata. Pinaniniwalaan na humigit-kumulang dalawang milyon na kabataan na sa buong mundo ang sangkot at biktima nito. At ang mga bata na gumaganap bilang mga patutot sa industriya na ito ay madalas na naakit o dinukot sa sekswal na pagkaalipin.
Ang turismong seksuwal sa mga kabataan ay isang kriminal (sa maraming bansa) multi-million na dolyar na industriya na pinaniniwalaan na aabot sa dalawang milyon na kabaatan ang sangkot sa buong mundo. Para eto ay matigil, maraming bansa ay gumawa ng mga batas para maparusahan ang mga tao may sala sa pang-aabuso sa kabataan na naganap sa labas ng sariling bansa, kahit na ang bansa na pinangyarihan ng pang-aabuso ay walang batas na ukol rito, halimbawa, ang US Protect Act.
May ibang mga tao ang pumupunta sa ibang bansa upang makipagtalik sa mga menor de edad. Ang seksuwal na turismo sa mga kabataan ay nauugnay sa kahirapan. Ang Thailand, Cambodia, India, Brazil at Mexico ay natukoy na mga bansa na laganap ang pagsasamantalang seksuwal sa mga kabataan. Sa Thailand, kahit hinde alam ang tamang rami, tinataya na ang ang 40% ng mga patutot ng bansa ay menor de edad. Sa Cambodia ay isang tatlo ng lahat na patutot ay hinde pa 18 taong gulang. Sa India, sinasabi ng pulisya doon na mga 1.2 milyon na kabataan ay pinaniniwalaang isang patutot. Sa Brazil ay pinaniniwalaang pinakagrabeng seksuwal na child trafficking na rekord pagkatapos ng Thailand.
Sinasabi ng UNICEF na ang mga sekswalidad na nangyayari ay madalas tinitingnan na isang pribadong gawain, kaya ang mga komunidad nag-aatubiling gumawa ng aksiyon at makialam sa mga kaso ng mga pagsasamantalang seksuwal. Sa ugaling eto nagiging madaling pagsamantalahan ang mga kabataan. Karamihan nag pagsasamantalang eto ay nangyayari dahil sila ay nasangkot sa seksuwal na kalakalan kung saan dito sila pinagsamantalahan ng mga lokal na tao at seksuwal na turista. Ang Internet ay nagbibigay ng mabilis na pandaigdigan na kagamitan sa mga indibidwal na makakuha ng impormasyon sa mga destinasyon at pagkuha nito.
Sa kaso ng mga kabataan, ang Estados Unidos ay may mahigpit na batas na pinanagutan ng bawat Amerikano o mga residente sa Estados Unidos na pumunta sa labas ng bansa upang makisabak sa hinde kanaisnais na gawain sa menor de edad. Subalit ang pornograpiya ng mga bata, seksuwal na turismo at pangangalakal ng tao ay isa sa mga mabilis na pagunlad na industriya. Si Rep. Chris Smith, R-NJ ay pinakita ang H.R. 1623, ang "International Megan's Law". Parehas eto sa Megan's Law ng Estados Unidos, na nagbibigay ng mga abiso sa komunidad kung may "sex offender" ang naninirahan sa kanilang lugar. Ito rin ay mag-aalerto sa mga opisyal sa labas ng bansa kung kelan maglalakbay ang "sex offender" at minumungkahi nila sa ibang bansa na magkaroon ng listahan ng mga "sex offender" para mabigyan abiso ang Estados Unidos kung kailan babalik ang "sex offender" sa bansa para sa seksuwal na turismo.
Pag-aaral na Akademiko
Ang Unibersidad ng Leicester sociologists ay pinagaralang ang paksa na kasama sa kanilang pananaliksik para sa Economic and Social Research Council at End Child Prostitution and Trafficking na kampanya. Ang pag-aaral na eto ay kasama ang kanilang pakikipanayam sa higit 250 na Karibe na seksuwal na turista. Ito ang kanilang resulta.
- Ang kanilang preconception ukol sa lahi at kasarian ay may epekto sa kanilang opinyon
- Ang mga mahihirap na bansa ay pinopromote na iba ang kanilang kultura kaya ang isip ng mga taga-kanlurang turista na ang prostitusyon at pagiging dominante ng kalalakihan sa mga kababaihan ay mas konting stigma kaysa sa kanilang sariling bansa.
Oposisyon sa Turismong Seksuwal
Ang mga organisasyon ng karapatang pantao nagbabala na ang seksuwal na turismo ay may kontribusyon sa pangangalakal ng tao at prostitusyon ng mga bata. Ang Nagkakaisang Bansa ay hinde sang-ayon sa seksuwal na turismo dahil sa kalusugan, panlipunan at kultural na kahihinatnan ng parehas na bansa ng mga turista pati na rin ang pinupuntahang bansa, lalo na sa sitwasyon na pagsasamantala sa kasarian, edad, panlipunan at ekonomiko hinde pagkapantay-pantay sa mga pinagpupuntahang lugar.
Dokyumentaryo
Maraming mga Canadian na gumagagawa ng pelikula ay aktibo sa pag-uulat tungkol sa seksuwal na turismo. Ang mga pamagat ay
- Falang: Behind Bangkok's Smile by Jordon Clark (2005) nakabase sa Thailand.
- CBC series the Lens episode "Selling Sex in Heaven" nakabase sa Philippines.
- Channel 4 Cutting Edge episode "The Child Sex Trade" nakabase Romania, Italy.
- Sex Tourism on Talking Points from Channel4.com
- Channel 4 My Boyfriend, the Sex Tourist (2007) tiningnan ang seksuwal na turismo sa buong mundo.idiot sila