UP Diksiyonaryong Filipino
Ang UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF; Ingles: UP Filipino Dictionary) ay isang monolingguwal na diksiyonaryong Filipino. Pinapanatili ito ng Unibersidad ng Pilipinas-Sentro ng Wikang Filipino (UP-SWF), at si Virgilio S. Almario, isang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, ang punòng patnugot nito. Inilunsad ang unang edisyon ng UPDF noong 2001, hábang inilunsad naman ang ikalawang edisyon noong 29 Hulyo 2010, kasáma sa pagdiriwang ng sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Nakatalang ilulunsad ang ikatlong edisyon ng diksiyonaryo sa 2015, at ilulunsad ang mga bagong edisyon ng UPDF bawat limang taon pagkatapos noon. Sa kasalukuyan, may mahigit 200,000 lahok ang ikalawang edisyon.[2]
May-akda | Virgilio S. Almario (punong patnugot) |
---|---|
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Paksa | Diksiyonaryo |
Tagapaglathala | Palimbagan ng Unibersidad ng Pilipinas at Anvil Publishing |
Petsa ng paglathala | 2001 (unang edisyon), 2010 (ikalawang edisyon) |
Mga pahina | 961 (unang edisyon)[1] |
ISBN | ISBN 971-8781-98-6 |
OCLC | 50116683 |
Klasipikasyon ng Aklatan ng Kongreso | PL6057 .U63 |
Unang minungkahi noong 1996,[2] tinaguriang bersiyong Filipino ng kilaláng Oxford English Dictionary ang UPDF.[3] May nagmungkahi din ng bersiyon ng UPDF sa Internet para magamit ito ng mga Pilipino sa ibayong dagat.[2]
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ UP Diksiyonaryong Filipino Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. mula sa University of the Philippines Integrated Library System
- ↑ 2.0 2.1 2.2 Lim, Ronald S. (13 Agosto 2010). "One tongue". Manila Bulletin. Manila Bulletin Publishing Corporation. Nakuha noong 21 Disyembre 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Teodoro, John Iremil E. (25 Agosto 2010). "How the 'Cory consti' shaped the Filipino language". GMA News and Public Affairs. Nakuha noong 21 Disyembre 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)