Si Steven Paul Jobs (Pebrero 24, 1955 - Oktubre 5, 2011) o mas kilala bilang Steve Jobs, ay isa sa mga nagtatag at CEO ng Apple Inc. at ang CEO ng Pixar hanggang sa binili ito ng Disney[4]. Siya ang dating pinakamalaking shareholder ng Disney[5] at kasapi siya sa pangkat ng mga direktor ng Disney. Siya ay isa sa mga prominenteng tao sa larangan ng industriyang kompyuter at libangan.[6]

Steve Jobs
Shoulder-high portrait of smiling man in his fifties wearing a black turtle neck shirt with a day-old beard holding a phone facing the viewer in his left hand
Si Steve Jobs habang hawak ang puting iPhone 4 sa Worldwide Developers Conference 2010
Kapanganakan
Steven Paul Jobs

24 Pebrero 1955(1955-02-24)
Kamatayan5 Oktobre 2011(2011-10-05) (edad 56)
NagtaposReed College (isang semestro noong 1972)
TrabahoChairman, Apple Inc.
Miyembro ngThe Walt Disney Company,[2] Apple, Inc.
AsawaLaurene Powell Jobs (1991–2011)
Anak4
Kamag-anakMona Simpson (kapatid na babae)
WebsiteSteve Jobs
Pirma

Sa huling bahagi ng 1970s, si Jobs kasama si Steve Wozniak, Mike Markkula at iba pa ay nagdisenyo, lumikha at nagbenta ng isa sa matagumpay na mga linya ng personal na kompyuter, ang Apple II series. Noong 1980's, si Jobs ang isa sa mga nakakita ng potensiyal ng Xerox PARC na may grapikal na interpasyo gamit ang isang daga na nagdulot sa pagkakalikha ng Macintosh. Pagkatapos ng pakikipag-alitan sa mga lupon na direktor ng Apple noong 1985, si Jobs ay nagbitiw sa trabaho at nagtatag ng NeXT, isang kompanya na lumikha ng plataporma ng kompyuter na pang mataas na edukasyon at pangnegosyo. Ang pagbili ng Apple sa NeXT ay nagbalik kay Jobs sa kompanyang kanyang itinatag at nagsilbing CEO nito mula 1997 hanggang 2011. Noong 1986, kanyang binili ang dibisyong grapiko ng Lucasfilm Ltd. na umusbong mula sa Pixar Animation Studios. Siya ay nanatiling CEO at pangkaramihang tagahawak ng sapi (stock) nito sa halagang 50.1 porsiyento hanggang sa mabili ito ng kompanyang Disney noong 2006. Kalaunan, si Jobs ang naging pinakamalaking tagapaghawak ng sapi nito sa halagang 7 porsiyento at naging kasapi ng lupon ng mga direktor ng Disney .

Ang kanyang layunin na magpaunlad ng mga produkto na parehong mapapkinabangan at elegante ay nagdulot sa kanya ng ilang mga debotong tagasunod.

Noong Agosto 24, 2011, inihayag ni Jobs ang kanyang pagbibitiw bilang CEO ng Apple. Sa kanyang sulat ng pagbibitiw sa tungkulin, kanyang inirekomenda na magiging kahalili na CEO ng Apple si Tim Cook. Dahil kanyang kahilingan, si Jobs ay hinirang na pangunahing pinunò (chairman) ng lupon ng mga direktor ng Apple. Si Jobs ay namatay noong Oktubre 5, 2011 sa edad na 56 dahil sa sakít na pankreatikong kanser pitóng taon pagkatapos ng diyagnosis nito.

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Markoff, John (Oktubre 5, 2011). "Steve Jobs, Apple's Visionary, Dies at 56". The New York Times. Nakuha noong Oktubre 5, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Walt Disney Company and Affiliated Companies – Board of Directors". Kompanyang Walt Disney. Nakuha noong Oktubre 2, 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Forbes 400 Richest Americans". Forbes. March, 2011. Nakuha noong March 10, 2011. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. "Apple - Press Info - Bios - Steve Jobs". Apple Inc. 2006. Nakuha noong 2006-09-20. {{cite web}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Steve Jobs' Magic Kingdom". BusinessWeek. 2006-01-06. Nakuha noong 2006-09-20. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)
  6. Burrows, Peter (2004-11-04). "Steve Jobs: He Thinks Different". BusinessWeek. Nakuha noong 2006-09-20. {{cite news}}: Check date values in: |date= (tulong)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.