Ang mukha (mula sa Sanskrito: मुख [mukha]) ay isang pangharap na bahagi ng ulo. Sa tao, mula ito sa noo hanggang baba kabilang ang buhok, noo, mga kilay, mga mata, ilong, mga pisngi, bibig, mga labi, piltrum, mga ngipin, balat, at baba. Ginagamit ang mukha para sa pagpapahayag (ekspresyon), anyo, at pagkakakilanlan (identidad).

Mukha ng isang babae.
Mukha ng isang batang babae.

Ang mukha bilang kasangkapan sa pagkilala

baguhin

Malapad ang mukha, at higit sa lahat ng mga katangiang nagbubukod sa isang tao, karaniwan sa isang tingin pa lamang ng kapwa tao. Nakalagay ito sa pangitaas na bahagi ng katawan ng tao at bukod-tangi.

Gayon din, karaniwang pinalalabis ng mga guhit-larawang karikatura ang mga bahagi ng mukha upang madaling makilala itong may kaugnayan sa ipinapahayag na bahagi ng isang tinutukoy na indibidwal. Halimbawa na sa isang karikatura ni Osama Binladen, maaaring itanging iguhit ang mga buhok niya sa mukha at ang estilo ng buhok; samantalang ang maaaring palakihin ang mga tainga sa karikatura ni George W. Bush na nahahawig sa sukat ng mga tainga ng isang elepante; at magkaroon ang karikatura ni Jay Leno ng isang pinalaking ulo at pinahabang baba. Nakatutulong sa tao ang eksaherasyon ng mga madaling-tandaang mga bahagi upang makilala ang iba kung ilalarawan sa kaanyuhang pang-karikatura.

Karaniwang ginagamit ang operasyong pangkosmetiko para baguhin ang anyo ng mga bahagi ng mukha.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.