Wikang Hiligaynon
Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Iloilo at Negros Occidental. Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo. Ginagamit rin ito sa mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingguwa prangka. Kabilang ito sa pamilya ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing wika ng Pilipinas.
Hiligaynon | |
---|---|
Ilonggo | |
Katutubo sa | Pilipinas |
Rehiyon | Bisayas, Mindanao |
Mga natibong tagapagsalita | 11 million total (first language: 7 million, second language: 4 million (est.)) |
Mga diyalekto |
|
Latin (Anyong Pilipino); Naunang naisulat sa Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Wikang Rehiyonal ng Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino (Commission on the Filipino Language) |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | hil |
ISO 639-3 | hil |
Ang mapa ng kailonggohan |
Gamit
baguhinMaraming salitang Kastila sa Hiligaynon, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.
Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental. Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang isa ay pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.
Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa mga pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde, luntian), pang-ukol (e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa pero). Gayumpaman, marami pa ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang Hiligaynon tulad ng barko (barco), sapatos (zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara (cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta (camiseta), and kambiyo (cambio).
Mga halimbawa
baguhinMga pangungusap
baguhinMaayong aga/gab-i
Magandang umaga/gabi
Tagbalay
Tao po
Malakat ka na
Aalis ka na
Subong na lang
Ngayon na lang
Ihatag mo ini sa iya palihog
Pakibigay mo ito sa kaniya
Nagakadlaw na siya
Tumatawa na siya
Kaon ka na sang kan-.on
Kumain ka ng kanin!
Nakaka-on na ako sang kan-on
Kumain na ako ng kanin
Nagaka-on ako sang kan-on
Kumakain ako ng kanin
Karon, maka-on ako sang kan-on
Mamaya, kakain ako ng kanin
Diin ka makadto
Saan ka pupunta
Bakal!
Pabili
Tagpila ini
Magkano ito
Palangga ta ka
Mahal kita
Palangga ta man ka
Mahal din kita
Siraduhi palihog ang pirtahan
Pakisara ang pintuan
Palihog trapuhi ang lamesa
Pakipunasan ang mesa
Salitang Hiligaynon
baguhinNasasakupang Hiligaynon
baguhin- Bisayas
- Kanlurang Bisayas (Rehiyon ng 6)
- Aklan - 90%
- Capiz - 93%
- Guimaras - 92%
- Iloilo - Lungsod ng Iloilo - 95%
- Negros Occidental - Bacolod - 91%
- Mindanaw
- Hilagang Mindanao (Rehiyon ng 10)
- Bukidnon - 70%
- SOCCSKSARGEN (Rehiyon ng 12)
- Cotabato - 83%
- Sultan Kudarat - 88%
- Timog Cotabato - 89%
Mga salita
baguhinTagalog | Hiligaynon |
bahay | balay |
ito | ini |
iyan | ina |
iyon | ato |
dito | diri |
diyan | dira |
doon | didto |
at | kag |
masarap | manamit |
Mga panghalip
baguhinTagalog | ang | ng | sa |
ako | ako | ko | akon |
ikaw | ikaw / ika | mo | imo |
ka | ikaw / ika | mo | imo |
siya | siya | niya | iya |
tayo | kita | naton | aton |
kami | kami | namon | amon |
sila | sila | nila | inyo |
kayo | kamo | ninyo | ila |