Anasarka
Ang anasarka (mula sa Ingles na anasarca) ay ang tawag, sa larangan ng panggagamot, para sa paglaganap o pangkalahatang pagka-ipon o akumulasyon ng tubig o serum sa iba't ibang lamuymoy o mga hukay na nasa katawan.[1] Ginagamit na pantawag ito sa manas kung nasa ilalim lamang ng balat ang naganap na pagka-ipon ng tubig at madaling mapansin o makita. Mapapagtibay o mapatutunayan ang pagkakaroon ng ganitong kalagayan sa pamamagitan ng matatag o matibay na pagpisil sa balat na nasa ibabaw ng isang buto. Sa ganitong pagpisil, mapupuna o mararamdaman ng pumipisil ang pagkakaroon ng pagkahumpak na may katagalan ang pagkapuno o pagiging puno.[2]
Sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Anasarca, anasark(a) - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Anasarca". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 30.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.